"Okay Shenaia, breath in, breath out... Then JUMP!"
Tumalon si Shenaia mula sa isang bintana patungo sa kanyang balcony, at maswerte naman itong ligtas na nakalapag sa ibabaw ng railings.
"Matagal tagal narin mula ng huling nag mala-akyat bahay ako ah. Wala paring kupas" Sabi nito sa sarili habang bumababa mula sa railings at tinungo ang sliding glass door para makapasok.
Wala naming nagging aberya sa pagpasok ng dalaga sapagkat hindi niya naman nilalock ang pintuan sa balcony. Sa katunayan, hindi pa nga nito naisipang maglagi doon -_-...
Noong nakapasok na ito ay agad nitong tinungo ang closet.
"Asan kaya dito ang mga Sneakers?" Tanong nito sa sarili.
Kung hindi lang sana pakalat kalat ang mga boxes ng mga gamit nito edi sana madali nitong mahahanap ang kinakailangan.
"Plano ba nina Mommy at Daddying tuluyan nakong palayasin? Parang pinadala na nila dito halos lahat ng gamit ko ah" naisip nito.
"Bahala na nga!" Sigaw nito sabay sipa sa isang box sa harapan.
Dahil sa pagspa ng dalaga sa box, ito'y nagresulta sa pagkakalat ng mga laman nito.
"Great, just great! Nadagdagan pa ang aayusin ko" Inis nitong pahayag.
Wala naman itong magagawa kaya inayos niya nalang pabalik ang mga bagay na niluwa ng box.
"Notebook, Notebook, Notebook... Puro lang naman to mga notebook, pinadala pa nila dito!" Pagdadabog ni Shenaia habang binabalik ang mga notebook na nagkalat sa box.
Halos nangangalahati na ako sa pag aayos nang may nahulog na isang litrato mula sa kwadernong ibabalik na niya sana sa box.
Agad naman nitong pinulot at tiningnan. A weak smile formed through her face.
Di niya napigilan ang sarili na haplusin ang litrato. "5 happy persons, joyfully together" mahina nitong sabi.
"I miss you guys" mga katagang nagging hudyat upang lumabas ang isang butil ng luha mula sa kanyang kanang mata, pero agad naman niya itong pinunasan.
"I think, di naman siguro bawal bisitahin yung mga ka.gang ko, ano? Di naman ako mapapatrouble kaya siguro ayos lang naman, diba?"
Tumayo na ako at kinuha ang mga spare keys at wallet ko. Di na ko nagpatumpik tumpik pa, pupuntahan ko na ang mga taong tumulong saken para maging ganito ako ngayon.
Flashback
"Kuya, sabi mo walang iwanan. Sabi mo sasali pa tayo sa battle of the bands sa Korea. Sabi mo tuturuan mo pa kong magbike. Sabi mo ipeperfect pa naten yung technique para wala ng makatalo saten at magiging pinaka magaling ka. Why leave so soon? Andami pa nating gagawin ng magkasama, bat ka nagmadali? Kuya, why? Why leave me? Leave us?"
Tanging ang payapang hampas ng alon at ang pagngawa ng isang babae ang naririnig ko, ang pagngawa ko.
Lungkot at sakit ang nangingibabaw sa akin. Iniwan ako ng isang taong mayroong napakalaking papel sa buhay ng isang Shenaia Clein Cadan. Iniwan na ako nang tuluyan ng aking kuya. Di lang ng isang kuya, kundi ng isa ring kaibigan na pilit akong iniintindi kahit ang labo-labo ko, magulang na nag aalaga pag wala sina mama at papa at higit sa lahat ang nag iisa kong kapatid na kahit ano paman ang mangyare ay andyan at mananatili parati sa aking tabi.
"Sinungaling ka, Kuya... Sabi mo, walang iwanan, eh nasan ka na ngayon? akala ko ba ikaw ang mage enroll saken sa college, ikaw magiging best man ko sa kasal at ako naman ang bride's maid, akala ko ba magiging best buddies ang mga anak naten? Pero lahat ng yun imposible na Kuya... Kasi wala ka na" Agos lang ng agos ang aking mga luha. Wala na eh, wala na ang taong nagturo saken ng halos lahat ng nalalaman ko.
BINABASA MO ANG
Gangster Fairy tale: The Gangster Clash over the Fraternity
AventuraLove is a Dark Fairytale Happiness often fail Circumstances are extant This is a wish to grant by two hearts that beat as one ♥