===14th fight: Ate Chrys===

1.6K 47 0
                                    

SHENAIA’s POV

“As in wala na talaga? as in zero na kayo?” Sino pa ba ang makulit sa tahimik kong buhay? malamang si Faith lang naman diba?

“Faith, for the nth time… Wala na nga kami. So will you please stop bugging me about that issue! You’re getting to my nerves!” My dark side… Yeah… Pag naiinis ako, napapasigaw ako kaya ayan… agaw pansin sa cafeteria. And besides, for pete’s sake! Almost two weeks na kaming wala! I mean natapos ang deal…

“Affected pa ata”

“Sino ba talaga sa kanila ni Alpha ang nakipagbreak?”

“Sabi na nga ba, napagtripan lang siya ni Jeff eh”

“Diba isa siyang Cadan? Nirerespeto ang lahi’t tinitingala pero siya…Tsk.. baka ampon kaya naiiba”

 

Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulong bulungan ng ibang mga estudyante na kumakain sa cafeteria.

Wow… sikat pala talaga ako. Akalain niyo, ilang linggo palang ako dito pero kilala na ako sa buong campus. And all thanks to that sh*t! Argghh

Two weeks! It’s been two weeks na tinatapunan ako ng mga mapanghusgang tingin ng puny*t@ng wala namang kaalam.alam!

“Will you all shut up?!” Galit na ungos ko. Napatayo na nga ako sa sobrang panggagalaiti.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

Si Lauren pala. With her look na parang nagsasabing ‘please, calm down’. And I hate the fact na napapasunod niya ako. I can’t resist her.

Naupo  nalng ako uli at pinatuloy ang pagkain sa aking blueberry cheesecake.

Sabi nga nila… Don’t mind the eyes that stare, focus on your cheesecake… Sabi nga ba talaga ng iba o sabi ko? wala namang ganung sayings diba? oo nga wala…

Aish… sira na ata ang tuktok ko eh! Nakikipagtalo na ko sa sarili ko!

“Shaia, sorry if I’m so kulit ha… I promise that I’ll zip my mouth na” paghihingi ng paumanhin ni Faith.

Tiningnan ko lang siya with my very cold stare na imported pa from north pole.

“Shaia naman eh… Don’t stare at me like that kasi nilalamig ako!” Aba’t nagpout pa ang tanga at nagkunwaru pang nilalamig -_-… Pasalamat siya, cute siya… Cute… Parang aso eh

“Libre mo muna akong kape” Para paraan lang yan mhen…

“Taz bati na tayo?” paninigurado niya

“We’ll see” aba! Ang taray ng aking answer

“Eeehhh… Sige na Shaia… After I buy you a cup of coffee, bati na tayo and we’ll be back to super mega bffs na!” Anu daw? Super mega what?

Gangster Fairy tale: The Gangster Clash over the FraternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon