===5th Fight: Humiliated ===

2.3K 53 3
                                    

Shenaia's POV

"Nu ba yan Lauren? Harina nalang kulang pancake mixture ka na" sabi ni Faith habang iniisa-isang kinukuha ang mga natitirang eggshells sa buhok ni Lauren.

Andito kami ngayon sa dorm nina Lauren at Faith, pinagtutulungang linisin si Lauren. Si Faith lang pala ang naglilinis, nakaupo lang ako sa upuan sa may study table nila. Nakwento ko narin lahat kay Faith, Worried to the bones nga daw siya.

Nakakaawa siya, sobra. She looks traumatized, nakatulala lang at walang imik. Kinakausap siya ni Faith pero parang hangin lang ang kausap niya.

Pasalamat lang talaga yung Jeff na yun, marunong ako tumanaw ng utang na loob dahil kung hindi, malamang basag na karamihan sa pagmumukha nung mga ODT at TriBetang yun.

Nagtataka ba kayo kung ano yung utang na loob ang pinagsasabi ko?

Then, know it yourselves!

De jowk lang... Ganito kasi yun...

Tanda niyo pa yung wirdong guy na tumulong saken nun sa paglilipat ko sa dorm? Yung wirdong naka salamin at bangs, na mukhang nerd na ewan... siya yun.

Kahit iba ayos niya kagabi (naging tao siya) kilala kong siya yun. Who am I to be respected by the gangsters around the world kung isang simpleng kaibahan lang e di ko mapapansin diba?

Sabihin niyo nang ang babaw ng utang na loob ko sakanya. Pero kilala ako bilang lider ng isang sikat na gang at kilalang isang mapride na tao kaya kahit gaano kaliit ang pagtulong mo saken, utang na loob paren yun at ayaw kong magkaroon nun.

"Sorry Lauren, sana di na kita pinilit pa, sana di na kita pinapiglitang umattend sa party na yun. Yan tuloy nasira yung ung signature dress na bigay ni Shaia. UWHAAA!!! This is all my fault" TT^TT

Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko sa sinabi ni Faith. Mas alalahanin ba naman yung damit kesa sa kaibigan.

Minsan talaga may saltik tong si Faith eh. Pero parang ewan tong nararamdaman ko sa kanilang dalawa. It feels like I have the urge to protect them, to keep them away from harm, to keep them safe... basta yun.

Maybe, it's a good thing. Kasi kahit papano di na ko sobrang cold, parang disguise naden.

"Kasalanan ko! Kasa--" hinarang ko na ang aking index finger sa bibig niya to shut the hell out of her.

"Faith... Please? Naririndi na ko"

"Oh! sorry Shaia. Shut na" at parang zinipper niya ang bibig. Para talagang bata.

Kahit I care for them, hindi parin maaalis ang pagkagangster ko at ang isang Shenaia Clein Cadan ay walang mahabang pasenya.

"I think I should keep going. It's already late at malapit na ang curfew kaya I better go back to my dorm now" paalam ko sa kanila.

Gangster Fairy tale: The Gangster Clash over the FraternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon