Naabutan kong nakahalukipkip siya sa sala habang tinititigan akong lumalapit, napaiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan at sa sobrang dilim niyang titig pakiramdam ko tuloy ay sasabak ako sa isang napaka mapanganib na gyera!
Umupo ako sa tapat niya, he move a bit.
Nakaka conscious talaga! Ni di ko alam kung anong galaw o posisyon ang gawin ko kaya yumuko nalang ako at nilagay ang mga kamay sa tuhod para di makita ang aking dibdib sa ilalim ng malaking T-shirt kong suot, nakakaconcious lalo na at sobrang luwang nito sa katawan ko, palagi kong hinihila pataas ang sa may leeg dahil bumababa.
Tumikhim siya. "did you remember last night?"
Sinulyapan ko siya at napayuko ulit nang makita ko ang seryoso niyang mukha. I bit my lower lip dahil sa tensyong naramdaman. Umiling lang ako.
He sigh!
"I wonder kung paano ka nakapasok sa bar? Sa pagkakaalam ko ay di pwede ang mga menor de edad doon."
Nahimigan ko ang pagka sarkastiko sa kanyang boses.
Medyo nairita tuloy ako sa tanong niya! Ganon na ba ako ka nene tingnan? Aangal sana ako pero nagsalita ulit siya,"buti nalang at ako ang nakakita sayo kagabi kasi kung hindi ay paniguradong uuwi ka na hindi buo o kung makakauwi ka pa kaya?"
Napangiwi ako sa tanong niya pero sabagay tama naman siya pero dapat ay aangal ako nuh!
Napanguso ako habang nakayuko.
"I know, alam ko naman kung ano ang gin-"
He cut me."Talaga? Panigurado ako na hindi ka taga rito at panigurado ako na naglalayas ka-"
I cut him. Yes! Yes! Mali na ako kung mali pero kailangan ko din na ipagtanggol ang sarili ko no! I glared at him
"oo! Hindi ako taga rito but I can handle my self! Wag mo nang ipamukha sakin yan! Kaya ko naman to!"
Bahagya siyang humalakhak at umiling iling. Amusement is evidence in his expression tila naaaliw sa akin and I hate it! Pinagtatawanan ba ako ng Damulag na to?
"talaga? You can handle your self? Sa bus pa nga lang kahapon ay napaka burara mo na sa sarili mo kaya di na ako nagtaka kagabi"
Nanunuya ang kanyang tono.Nilingon ko siya ng may pagtataka and suddenly I remember.
Nanlaki ang mga mata ko.. What did he say? Sa bus? Sa bus?
Kumalabog ang puso ko nang napagtanto ko, Napa tunganga ako saglit, ugh! That face!"oh? Di ka makapaniwala nuh?"
He cross his arms atsaka sumandal sa sofa. His legs are spread wide, nagpapaalala na teritoryo niya ang lugar na ito."paano kaya kung hindi ako ang nakatabi mo kahapon? Paano kung masamang tao ang katabi mo ? Baka nanakawan ka na o di kaya ay nabastos habang tulog. Ano kaya ang tinira mo at ganun nalang ang kawalan mo ng malay? Pati kagabi.."
Umiling pa siya na tila disappointed sa kilos ko.Naikuyom ko ang aking kamao.
Kahit kelan ay wala pang na disappoint sa mga kinikilos ko! Maliban sa mga magulang ni Dylan kaya how dare this man para ma disappoint sa kilos ko? Di pa niya ako kilala! Pero... Sabagay, nakaka disappoint naman talaga yung ginawa ko kagabi. Pero kahit na, I pout.
"Buti nalang at nakita ko ang bracelet mong may 'Belle' kahapon sa bus habang tulog ka, I guess that is your name. Nagtaka ka din kagabi kong ba't kita kilala. Remember?"
Di ako sumagot kasi wala akong maalala.
Kahit kailan ay di pa ako nalasing nang katulad nito, yung tipong wala kang maalala na kahit ano. Yung tipong talagang blanko ang utak mo, ang naalala ko lang talaga ay pumasok ako sa isang bar para mag aliw, umorder ako ng isang bote ng alak na di ko kilala pero naalala ko ang sinabi ko sa bartender.
"please.. Yung pinaka malupit yung ibigay mo sakin" sabi ko sa bartender. He smile.
"yes ma'am beautiful, as you wish" aniya.Napapikit ako. Yun pala! Dati soft drinks lang iniinom ko kaya kagabi ay ganun na lamang ang naging reaksyon ng aking katawang lupa at ang resulta? Ito, wala akong maalala.
"dapat ay malaman to ng mga magulang mo o guardian at dapat ko din maireport ang bar na yun, hinayaan lang nila na may makapasok na bata.. Dapat talaga maireport"
Bigla akong naalarma sa narinig, anong irereport? Sira ba to? Anong bata?
Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone, he type something."Ano ba! 25 na'ko"
Sigaw ko pero di siya nakinig.
I was alarmed, baka kinokontak na nito ang mga police o ano kaya I tried to reach the pillow at binato ko sa kanya. Ayun! Sapol sa tenga. Tiningnan niya ako ng masama."di na ako bata kaya wag kang OA! 25 na'ko! 25!"
Kumunot ang kanyang noo, tiningnan niya akong mabuti.
Humalukipkip siya. I sigh, I guess I have to tell him some part of my story pero syempre may limitation.
Mataman siyang nakikinig sa akin habang sinasabi ko ang mangilan ngilang kwento ko, kung bakit ako pumunta dito.. Ang tungkol kay Dylan..Bahagya siyang umiling pagkatapos kong magkwento. Nairita na ko huh! Kanina pa tong damulag na to! Tingin niya ba talaga ay sinungaling ako?
I rolled my eyes saka tumayo. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa kanya."hey.."
Tinawag niya ko, tumayo din siya at saka tumawa.
Tinalikuran ko siya, like duh? Pinagtatawanan nanaman ako.
Nagmartsa na ko palayo sa kaniya pero narinig ko ang tawa at hakbang niya sa aking likod.
Umiirap ako sa kawalan."sorry.. I really thought na nasa 17 or 18 ka pa, I mean you look really young"
He apologized pero pakiramdam ko ay di siya nag aapology , parang mas nahihimigan ko pa nga ang panganganchaw niya."sa tingin mo makakapasok ako kagabi kung menor de edad ako?"
He laugh at my back.
Whatever!
I rolled my eyes, actually mas lalo akong nahihilo sa kaka irap ko sa kawalan.
Nang nasa harap na ako ng kwarto niya ay kaagad ko itong binuksan.
Gusto ko man na umuwi nalang sa nirentahan ko na maliit na kwarto at doon matulog ay naiisip ko din na dilikado sa labas. Bukod kasi sa madilim doon ay ayoko namang lumabas na tanging itong mga damit niya ang suot.Nang nakapasok na ako ay kaagad na akong umupo sa kanyang Queen size bed.
Napalingon ako nang marinig ko ang pagsarado ng pinto at pagpatay ng ilaw. Napataas ang aking kilay sa kanya. He smirk.
Ano ginagawa niya dito sa loob? Don't tell me dito siya matutulog?"what do you expect? " sarkastikong tanong niya.
"my bed is big, do you expect me to sleep in sofa?" humalakhak siya. "this is my room, my bed kaya dito ako dapat" aniya pa habang inaayos na ang sarili sa higaan.Napa simangot ako, akala ko ba gentleman ito? Gentle dog pala!
Nagkumot pa siya.
"come on, di ako nanghahalay. Unless kong magpapakita ka ng motibo kakagat ako tutal TWENTY-FIVE kanamana" he playfully smile.
Naiinis man. Gusto ko siyang sagutin pero di ito ang tamang oras at panahon. I want to sleep right now nang makapaghinga na ako.
Humiga na lamang ako at nagkumot. Nakatihaya ako. My eyes widen nang makita ko ang braso niya sa aking harap. Nilingon ko siya. Nakatitig pala siya sa akin.. Narinig ko ang click at kasabay non ang pagdilim ng kanyang mukha.
"good night " he whisper.. Sa paraan ng pagsalita niya ay naramdaman kong malapit lang ang kanyang mukha sa akin and also his scent is the evidence.
Umuga ang kama nang bumalik siya sa posisyon.
"g-good night din.." I whisper.
Di siya sumagot.
I closed my eyes kahit kinakabahan ako. Ang huling naalala ko ay ang kanyang hilik, I just hope na bukas ay maging mabait siya. I just hope!
-don't forget to vote and comment. 😇❤️ I need suggestions honey. 😇 Love you all and God bless us. Enjoy reading po. ❤️ Thank you. -
YOU ARE READING
Make Love
Romancemature content, please lang po... wag muna magbasa yung mga 16 below. thank you !