Nineteenth

3.1K 85 4
                                    

Nag-iwas kaagad ako ng tingin at tiningnan ang pagkain sa harap. Di ko maexplain ang nararamdaman ko, naiihi na nasusuka ako sa kaba dahil pakiramdam ko nakatitig siya sakin.. O sadyang feelengera lang ako?

"anyway Eros, si Belle nga pala, best friend ng girlfriend ko, Belle si Eros pinsan ko."

Napalunok ako sa kaba, shit naman Brandon oh! Di ako ready. Jusko! Namumutla pa 'ko at maitim eyebags ko! My God. Nakakahiyang tumingin sa kanya pero.. Wala akong nagawa nung lumapit sila. Tiningnan ko siya saglit at Tumango nalang at nagkunwaring busy ulit sa pagkain. Bumalik din naman sila sa mini sala sa harap.

"hay naku! Mabuti naman at di kana nasusuka. Okay lang ba sayo ang ulam na bili ko?"

Halos mapamura ako sa sinabi ni Charlie! My God. Di pala alam to ni Charlie.

Tiningnan ko si Charlie, sinubukan kong kausapin siya sa pamamagitan ng mata pero ang bruha parang di naman ako nakuha?.

"bibili ako ng spaghetti mamaya, yun pala paborito mo ngayon."
Ngumiti siya at tila proud pang nalaman niya kung ano ang gusto ko.

"anyways" she glance at her wrist watch.
"late na ko. Ito naman kasi si Brandon!"

Nagmartsa siya papunta sa kanyang boyfriend.

Napahinga ako, parang wala namang nakaka gets sa pinag-uusapan namin dalawa?

sinisisisi nanaman boyfriend niya. Napaka savage talaga!

She reach for her bag, tumayo na din si Brandon.

Nakayuko ako sa pagkain sa harap. I don't want to look at them, to look at Zeph...

"alis na kami Belle. Just call me if may gusto kang ipabili mamaya."
Charlie kiss my cheeks.

"wag mag pa stress masyado please.. Take care of my baby." bulong iyon ni Charlie.

I smile, ganyan lagi ang sinasabi niya sakin kapag nagkukulit ako minsan.

Pero.. kinakabahan pa din ako. Pano kung sabihin nila ito kay Zeph? pinsan siya ni Brandon diba?! At wala silang idea sa nangyayari samin ni Zeph.. At di naman kapani-paniwala? We are totally strangers sa mata ng best friend at boyfriend ng asking best friend.

Napasunod ang aking mata kay Charlie na ngayon ay papunta kay Brandon na nag aantay sa pintuan.

Wala na si Zepherus... Umalis na siya? Ayaw niya siguro ako makita? Di ko siya namalayang umalis!

Ugh! Bakit parang disappointed ka Belle?

"bye". Charlie wave at me, tumango si Brandon. They close the door.

Ngayon mag isa nalang ako.

Di ko maproseso lahat, kanina lang andito siya.. Matagal ko nang gusto to pero kanina parang sinasaksak ako sa katotohanang malabong maging kami!

Katulad nalang ng pagkain sa harap ko, malabo kong maubos dahil wala na kong gana.

I sigh.

I won't cry anymore. Kung gusto kong mabuhay na healthy itong anak ko, dapat di na ako magpapadala sa stress o emosyon. Tama!

Pero iisipin ko pa kung paano to sasabihin kay nanay at tatay?

Napapikit ako at hinilot ang noo. Ang dami kong dapat gawin, may trabaho pa na dapat tapusin.

Huminga ako ng malalim at hinarap na ang nag-aantay na trabaho.
Sorry baby for what mama did, masyadong stress si mama mo. I hope you're happy at nakasama natin saglit ang papa mo.. Yun nga lang, bubuo na siya nang pamilya nak but don't worry, mamahalin naman kita.

Make LoveWhere stories live. Discover now