Twenty

3.2K 87 2
                                    

“dapat lang! Di niya ako nireplyan kagabi kaya BAHALA siya sa BUHAY niya!”

Napailing nalang ako sa ingay ni Charlie. Kagabi pa to nandito sa kwarto ko, di umuwi kasi di nag reply si Brandon nung sinabi niyang magpapahatid siya pauwi kaya ayan tuloy, kung nandito si Brandon paniguradong bugbug na yun.

“baka naman kasi natulog na, alas onse na din kasi nung nagtext ka.”

Inayos ko ang aking Corporate Attire.

“sabi niya sakin kahapon na mag babar sila ng mga pinsan niya kasi minsan lang daw kasi sila mag kitakita! Pumayag ako Cyra Belle! Pero ano ginawa niya? Nambabae yun!” hinagis niya ang aking unan.

“unan ko!”
I glared at her pero nakita kong nagpapadyak siya at umiiyak.

Napasinghap ako sa nakita. Grabe to! Buti nalang talaga nag email ako na malalate ako dahil emergency, tinapos ko na ang trabaho ko this week kahapon kaya walang problema kahit malate.

Pinulot ko nalang ang unan ko sa sahig nang marinig ko ang pagring ng cellphone ni Charlie.

Nilagay ko ang unan ko sa higaan.

Nakita kong kinuha niya ang kanyang phone pero tiningnan niya lang ito at ibinalik sa lamesa. Humiga siya sa kama ko saka tinalikuran ang cellphone.

Naku! Mahirap pa naman suyuin to.

Dinungaw ko ang kanyang phone at kitang-kita ang pangalan ng taong tumatawag. Si Brandon.

Napailing ako at hinayaan nalang. Problema nila yan pero pagsasabihan ko din tong kaibigan ko pag nalaman ko ang dahilan ng kanyang boyfriend, sa ngayon ay pahuhupain ko muna tong galit niya.

“wala kang pasok?” I ask her habang sinuklay ko ang aking buhok.

“wala na akong trabaho.”-Charlie

Napailing ako at natawa. Di na bago sakin to! Kapag malungkot yan ay kaagad nagreresign sa trabaho. Ewan ko ba, di naman Big deal sa kanya ang trabaho. Sabagay, she can buy and do whatever she want kahit wala siyang trabaho.

Huminto ang tunog ng kanyang phone, bumangon siya at kinuha ang cellphone. Nag swipe-swipe siya dun. Hinayaan ko nalang.

Sinuot ko ang flat shoes na kulay itim. Di ako matangkad kaya nakakalungkot at di na ko makapag heels pero okay lang, basta ba para sa anak ko, yumuko ako at hinaplos ko ang aking tiyan na flat pa. Excited na akong makita ka. I smile.

“bwisit ka! Bahala ka sa BUHAY mo! Magtiis ka jan!”

I sigh! Kinakausap niya ang cellphone niya sa gilid. She is pouting. Pula ang mukha sa galit.

Haay!

Mamaya magkakabati din yan.

“nay? ”
Sagot ko kay nanay sa labas ng aking kwarto. Kakain na siguro.

“nasa labas ang boyfriend ni Charlie, hinahanap siya.”-si nanay.

Napatingin ako kay Charlie na ngayon ay dali-daling tumayo at dumungaw sa bintana.

“sige nay, susunod kami.”

Pumunta ako sa higaan.

Kaagad lumabas si Charlie sa banyo, pinupunasan niya ang kanyang mukha ng puting towel.
Nakatitig lang ako sa kanya, she is wearing my pajama at pink sando na may print na cup cake.
Inabot niya ang bag at kaagad nag ayos ng mukha.

Napailing ako. Galit na galit siya kanina diba? Bakit parang higad ito ngayon kakaayos sa itsura?

Nahagip niya ako ng tingin, ngumisi siya ng pilit at mabilis na sinuklay ang buhok.

Make LoveWhere stories live. Discover now