Di ko alam kung ano ang gagawin ko sa tuwing ganito ang nangyari sakin araw-araw.
Halos gusto nang lumabas ng lahat ng bituka ko sa tiyan, naluluha ang mga mata.. sumasakit na din ang lalamunan ko. Di ko akalain na ganito pala ka hirap.I wipe my tears at binuksan ang tubig sa sink, nagmumog ako. Di na muna ako aalis dito sa banyo, pakiramdam ko kasi ay susuka pa ulit ako. Nakayuko habang nakahawak ang mga ka may ko sa magkabilang sink para sa suporta.. Nakakapanghina!
Ilang segundo ay bumaliktad nanaman ang sikmura ko. I vomit.
Ganito palagi ang eksena tuwing umaga at gabi. Pakiramdam ko tuloy ay malnourished na 'ko dahil bukod sa wala akong ganang kumain ay sumusuka pa ko.I feel a warm hand in my back.
Patuloy ako sa pagsuka pero wala namang lumalabas. Hinaplos niya ang aking ulo at ang naka ponytail kong buhok.
“okay ka lang?”
I nodded, kahit nakayuko parin sa sink.
Medyo kumalma na ang pakiramdam ko kayo naghilamos nako.
Tinititigan ko sandali ang mukha ko sa salamin. Charlie is at my back, nakatitig din siya sakin habang ang isang kamay ay nanatili sa aking likod.Namumutla ako, lumalaki na din ang aking eyebags. I look like an idiot! I look unhealthy.
Kita ko ang pag aalala sa mata ni Charlie, I smile para mawala ang pag-aalala sa mga mata niya.
“sabi ko sayo wag ka na muna mag trabaho eh!”
Naka simangot siya habang inaayos ang aking buhok.It's been a 2 weeks since nalaman namin na buntis ako.. Siya, si Brandon at ang Doctor lang ang may alam. Di pa alam nila nanay at tatay ito.. I don't know how and when to start.. Natatakot ako sa reaksyon nila pero sasabihin ko naman sa kanila to..wag lang muna sa ngayon.
Inalalayan ako ni Charlie paupo sa swivel chair at inayos niya pa ang aking buhok.
“okay lang naman kasi ako.. Ganito lang talaga siguro kapag buntis.” napabuntong hininga ako sa huling nasabi.
Isinandal ko ang aking ulo sa swivel chair atsaka ipinikit ko ang mga mata. Mahigit 2 months na..
“ano ang gusto mong kainin sa lunch?”
I open my eyes, I saw Charlie typing on her phone.
“magpapasundo ako kay Brandon” aniya matapos mag type.
“ano na? Cravings?”
Actually wala akong ibang gustong kainin simula pa kahapon kundi spaghetti.. Naiisip ko pa lang yun ay naglalaway na ko. Iniimagine ko ang spaghetti na lumulutang sa sabaw ay napapalunok ako sa sarap.
“spaghetti! I want to eat spaghetti”
Tumango siya, hinila niya ang upuan sa harap ng aking table saka umupo kaharap sakin.
Charlie is a receptionist sa kabilang kompanya. Ewan ko nga at bakit gala to ng gala samantalang may trabaho naman siya, sabagay! di naman niya kelangan ng pera, kung tutuusin ay mas malaki pa ang allowance niya sa parents niya kesa sa sahod niya sa trabaho. Kahit naman kasi malaki na siya ay may allowance pa din, only child eh.
“ano pa? Gusto mo ng mangga?”
Umiling ako, di naman kasi ako nag ki-crave sa maasim.
“okay” aniya. She stared at me dahilan para mapataas ang aking Kilay..
Simula nung malaman niyang buntis ako ay di siya nagtanong ng kung ano, kung sino ang ama ng dinadala ko or kung bakit to nangyari.. Di siya nang-usisa kahit pa alam ko kung gaano niya kagustong magtanong.
YOU ARE READING
Make Love
Romancemature content, please lang po... wag muna magbasa yung mga 16 below. thank you !