twenty-seven

3.3K 79 1
                                    

Pinapasyal ko ang mata sa paligid, maganda talaga.. ako lang mag-isa dito sa sala, nasa kusina siya at naghuhugas ng pinagkainan namin, sabi niya ay bukas pa daw dadating ang kinuha niyang kasambahay.

Balak niya na dito ako o kami tumira? At ano ang sabi niya? Willing siya na panagutan ako? So meaning magpapakasal kami? Pakakasalan niya ko? Bakit? Dahil ba buntis ako?

I close my eyes nang bahagyang kumurot ang aking tiyan, hinaplos ko iyon habang nakasandal.
Pero napadilat nalang ako ng may mainit na kamay ang pumatong sa aking kamay, titig na titig siya sa aking mata at halatang nag-aalala, malapit lang ang kanyang mukha sa akin kaya naman ang kirot na naramdaman ko ay nahaluan ng kaba na di ko maipaliwanag kung bakit.

"Are you okay? Anong nararamdaman mo?"

Amoy ko ang mabango niyang hininga, napalunok ako.

"O-oo.. m-medyo kumirot lang.."

Kumunot ang kanyang noo, di ko alam kung anong ekspresyon ang nakita ko sa kanyang mata pero yumuko siya at hinalikan ang aking tiyan, hinaplos niya iyon.

"I'm sosorry baby.. I'm so sorry na wala ako palagi sa tabi mo at ng mommy mo... I'm so sorry... please... wag mo pahirapan si mommy huh... kumapit ka lang.."
Nakayuko lang ako na nakikinig sa kanya, para akong maiiyak. Naalala ko si tatay nung nagbuntis si nanay sa pinaka bunso samin. Ginagawa niya to kapag umaga, kinakausap niya ang bunso kong kapatid at sa tuwing nakikita ko na ganun ang ginagawa niya ay napapangiti ako at ginagaya ang ginagawa ni tatay kaya di ko akalain na ngayon.. eto..

"I promise.. aayusin ni daddy to.." tumingala siya sakin, nagtama ang aming mata. His eyes were full of hope and determination.

"I love you" bulong niya habang nakatitig sa akin.

Umiwas ako ng tingin! Bakit niya sinasabi ang katagang iyan sa akin ngayon? It is not that I am choosy pero nasasaktan pa din ako sa tuwing naalala ko ang nangyari noon. Yes! I don't have the right to get jealous kasi walang kami but he fuck me at sinasabihan niya akong I love you. Pafall siya!

Ramdam ko ang pag upo niya sa gilid ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng niyakap niya ako ng mahigpit, nakasobsob sa aking leeg ang kanyang mukha. Kagat labi akong pumikit.

Zeph!

Wala siyang imik. Wala din akong imik. Ganun lang ang posisyon namin halos mag limang minuto, nakikiliti ako sa hininga niya.. hinahayaan ko lang. Miss ko siya eh! At naaawa ako sa sarili ko.

"I miss you so bad B-Belle" basag ang kanyang boses at mas lalong humigpit ang kanyang yakap.

"Para akong baliw sa kakahanap sayo nung nagising ako na wala ka na..."

Sa pagkakataon na iyon ay naalala ko ulit ang ginawa kong pag alis at ang sakit na iiwan ko na siya..

"Hinalungkat ko ang buong siyudad sa Baguio para mahanap kita.. nagbabaka sakali na andon kapa pero di na kita mahagilap doon..
Di ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap sayo.. sinubukan kung maghire ng detective at pinahalungkat ko ang pangalan mo but Damn! Walang Cybelle Gomez akong nakita.."

Alright! Paano eh hindi yan ang pangalan ko.

"Plano ko na ipahanap kita sa buong Pilipinas.. without you in my life is like living in a hell."

Gagawin niya yun para sakin? Parang hinaplos ng mainit na kamay ang aking puso.. ang sakit na naramdaman ko ay parang napalitan ng saya!

Napapitlag ako ng maramdaman ang kamay niya sa aking tiyan.

"And I know this will happen" kunot noong napalingon ako sa kanya, nakatitig siya sa aking labi.

"Hayaan mong itama ko lahat ng nagawa ko na mali.."

Make LoveWhere stories live. Discover now