Naputol ang aking pagmumuni-muni nang huminto ang sasakyan. Napalingon-lingon pa ako kung nasa bahay na nga ba ako at na-kompirma ko nga na nasa tapat nang bahay na kami.
Sa hinaba-haba ng biyahi, napanis ata ang aking laway dahil hindi ako nagsasalita o hindi naman talaga kami nag-uusap.
Sinulyapan ko siya, galing sa ilaw ng poste ay naaninag ko ang reaksyon niya sa mukha.. Wala akong nakikitang reaksiyon kundi blanko lang. He didn't say anything. Dere-deretso lang ang paningin sa harap. Napasimangot ako. Galit nga talaga siya..
“s-salamat..”
Di siya sumagot.. Tumango lang..
Nag-aalinlangan akong lumabas sa kotse na ito na hindi man lang kami magkaayos o magkausap. Pero para ano?
Hindi ko alam pero tila nakaramdam ako ng takot sa pagkakataong ito, na feeling ko.. Sa oras na lumabas ako dito ay ito na ang huli na makikita ko siya.Pinatunog niya ang susi sa kanyang kotse dahilan para mabaling ang aking mata sa kanya, sa kanyang susi.
Wala parin siyang emosyon pero kita ko ang irita sa kanyang mata.
Nahihiya kong binuksan at isinara ang pinto ng kanyang kotse at lumabas na tapos ay pumwesto ako sa gilid.
Rinig ko ang tunog ng gate sa likod pero di ko yun pinansin. Nakatingin lang ako sa sasakyan niyang umatras ng hinay-hinay at pagkatapos ay lumiko na para makaalis.
Habang minamasdan ang ilaw ng kanyang sasakyan papalayo ay ramdam ko din ang panghihinayang at tila butas sa aking puso..
Tama bang hinayaan ko siyang umalis ngayon na hindi man lang humingi ng patawad para sa nagawa ko? Tama ba na hayaan ko nalang na ganito ang mangyari samin?
“ate?”
Nabigla ako ng marinig ang boses ni Aiden sa aking likod.
Nilingon ko siya at ngumiti pero seryoso lang siyang nakatitig sa akin na may halong pagtataka. Kunot ang noo.
“umiiyak ka?”- Aiden
Napahinto ako sa tanong niyang yun, hinaplos ko ang pisngi ko at Tama siya! Umiiyak nga ako.
Ngumiti nalang ako at umiling pero ang mukha niya ay hindi parin kumbensido.
“di ko nakita ang naghatid sayo? Sino yun?” may halong pagdududa ang kanyang boses na tanong kaya umiling nalang ako at kunwaring tumawa.
“wala yun. Nag-over time kasi ako kaya nagpahatid na ako sa ka trabaho ko.”
Kita pa din ang pagdududa sa kanyang mata. Halatang hindi naniniwala at hindi kumbensido at alam ko na hindi ko naman talaga mauuto ang kapatid kong ito.
Humalakhak nalamang ako, kunwari ay natawa sa kanya at niyaya na siyang pumasok na sa loob. Kita ko pa ang pag iling-iling niya sa aking likod pero sumunod naman nang nauna akong pumasok sa loob ng gate at dumiretso sa loob ng bahay.
Nakita ko pang tumatawa si tatay sa pinapanuod sa telibisyon. Nag text ako kaninang alas kwatro sa kanila para sabihing nag-over time ako sa trabaho kaya hindi na sila nag-taka sa pag-uwi ko ng late.
Nagmano ako kay tatay at nanay.
“lika na anak.. Kain kana” si nanay sabay tayo para sana pumunta sa kusina at maghanda ng pagkain.
“wag na nay, kumain na po ako kanina habang pauwi. Akyat lang po ako, may dapat pa akong tapusin nay”
Kaagad na akong naglakad papunta sa aking kwarto sa taas pagkatapos makapag-paalam kay nanay at tatay at doon ko ibinuhos lahat ng pagsisisi ko sa nagawa ko na ka-malian kanina!
YOU ARE READING
Make Love
Romancemature content, please lang po... wag muna magbasa yung mga 16 below. thank you !