"how are you feeling?" si doctor Rayuma.
Andito kami sa loob ng aking opisina, kumakain ng lunch.
"okay naman, may morning sickness pa din."
Tumango siya.
"normal lang yan, 2 months palang yan amd very sensitive. Bawal ka muna ma stress ng sobra."
Tumango-tango ako habang patuloy sa pag kain pero sa totoo lang nakonsensya ako. Ilang araw na akong stress? Hindi lang araw! Simula pa nung nabuntis ako stress na ako at kinakabahan ako baka pag nasobrahan ako ay may mawala nanaman sa akin.
Ang dinala niya na lunch ay gulay, may meat din at kanin pero napansin ko na lahat ng iyon ay purong may mga gulay.
He even bought me a crackers para daw kung sakaling di maganda ang pakiramdam ko."I heard your friend is in vacation with Brandon kaya dinalhan na kita ng lunch."
Ngumiti ako.
Siguro he wants to open any conversation para hindi awkward. Kanina pa kasi kami tahimik na kumakain. Wala naman talaga akong gana na makipag-usap sa kahit na sino.
"yeah, para makapag-bonding" ako habang busy sa pagkain.
Tumango at ngumiti siya at nagpatuloy nalang kami sa pagkain ng tahimik. Maybe naramdaman niya na wala akong gana.
"are you free later? Yayayain sana kitang mag dinner."
I just smile, at umiling.
"sorry doc pero gusto ko kasi magpahinga muna"
Nasa bukana kami ng pintuan ng aking opisina. Tapos na kasi kaming kumain ng lunch at sabi niya na aalis na siya.
"okay.. Tumawag ka sakin kung may kailangan ka na kahit ano."
Nahihiya akong ngumiti.
"naku doc, okay lang naman"
"no, basta tawagan mo lang ako."
Tumango nalang ako sa kanya para matapos na siya.
"sige.. Alis na ako."
"mag-ingat ka" ako habang nakangiti.
Sandali niya akong tinitigan pagkatapos ay lumabas na.
Kumaway ako sa kanya at ganun din siya pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na sa paglalakad habang ako ay isinara na ang pinto at bumalik na sa aking mesa.Panaka-naka kong hawakan ang aking cellphone. Nag-baka sakali na baka nag text o tumawag siya.
At sa tuwing tumutunog pa ang cellphone ko ay nae-excite pa akong tingnan iyon pero si Charlie o si Doctor lang pala.
Buong maghapon ay wala akong ginawa kundi ang mag-trabaho at mag-trabaho.
Tinuon ko nalang ang atensyon sa trabaho.
Wala akong nababakas na pupuntahan niya ako o magparamdam man lang.
Habang nag-babasa ay rinig ko ang pagkatok sa pinto at ang pagpasok ng aking sekretarya. She is holding her bag.
"hello ma'am good afternoon.. Out na po sana ako ma'am.. Alas singko y medya na po kasi."
Napa-oh ako sa narinig. Alas singko y medya na pala? Di ko napansin yun!
"okay-okay.. Sabay nalang tay--"
Napahinto ako ng mardaman ang sobrang Hilo! Napahawak ako sa aking ulo at ramdam ko din ang kamay ng aking sekretarya sa aking braso.
YOU ARE READING
Make Love
Romancemature content, please lang po... wag muna magbasa yung mga 16 below. thank you !