I heard a voice inside our house.. Nagpapa music sa loob. Di ko alam kung kakatok ako o hindi, pinaghalo-halong emotion, natatakot, nahihiya, masaya, malungkot.. Di ko alam!
It's almost lunch time, mahaba kasi ang biyahe. Ni di pa ako kumakain ng almusal.
Lumayo ako dahil gusto kong lumimot and yes! Successful nga ako.. I forgot my feelings for Dylan pero napalitan naman ng bago.
I sigh.
Di naman ako nagsisisi.
I learned a lot of things from my experience.
I push the gate, bukas iyon.
Luminga-linga ako. Walang tao sa labas ng bahay, paniguradong nasa loob sila ng bahay so I continue walking in front of our door.
“ang tagal naman ni ate” I hear my sister's voice.
“di mo naman tinanong Charlie kung saan siya para masundo ko o malaman natin ang oras ng pagdating niya.” my nanay's voice.
I sigh.. Ako yung pinag-uusapan nila. I miss them.
“ayaw niya sabihin tita eh. Wait, I'll call her” si Charlie.
Bago pa makatawag ang kaibigan ay kumatok na ko at hinay-hinay kong itinulak ang pinto.
I bit my lower lip as I saw them all turning their heads to see me.
“oh my God.” Charlie
I saw my family shock expression.
Lumandas ang luha ni nanay at tatay.Nakaupo si tatay sa wheelchair.. Halos mapunit ang aking puso sa nakikita. Pumapayat nga si nanay at tatay.
My tears fell.
Kaagad tumakbo si nanay papunta sakin. She hug me so tight at ganun din ako. Humagolhol siya ng iyak kaya di ko din mapigilang huwag maging emotional ng sobra.
I miss my family.
I'm home!
Kumalas si nanay sa pagkakayakap sa akin. May mga luha ang pisngi at mata niya. Hinaplos niya ang aking pisngi, patuloy pa din ako sa pagiyak.
“ayos ka lang anak? Saan ka nag punta? Alalang alala ako sayo”
Niyakap niya ako ulit.
I smile at tatay na ngayon ay nagpupunas ng luha.
“ate.” papunta sakin ang aming bunso.. Umiiyak din.
Kumalas si nanay sa pagkakayakap sakin at hinayaan ang kapatid ko, natawa ako ng makita ang itsura ng kaibigang si Charlie sa likod. She is crying to. Di ko alam bakit ako natatawa pero ang expression niya ang nakakapagpatawa sakin.
“bes.” aniya habang lumalapit sakin, she was wiping her tears saka sumali sa yakapan namin.
“I miss you best”
Aniya sa gitna ng pagyayakapan namin.“I miss you all”
Nang naghiwalay kami sa pagyayakapan ay lumapit na ko sa aking ama.
Sumisikip ang aking puso sa nakikita. Ang payat nga ni tatay at bakit siya naka wheelchair? Nakakaawa ang kanyang itsura, nangangayayat.
I hug him and he hug me back.
“sorry tatay..”
Bulong ko.Hinagod niya ang aking likod.
Sa pagkadesperada kong makalimot, di ko na inisip ang mararamdaman ng pamilya ko. I thought they would understand me, yes they understand me, my feelings, ako lang ang hindi umintindi sa kanilang nararamdaman. I love my family at di ko akalain na ganito ang magiging epekto.
YOU ARE READING
Make Love
Romancemature content, please lang po... wag muna magbasa yung mga 16 below. thank you !