Thirty-one

3.2K 66 1
                                    

"Kelan ang kabuwanan mo iha?"

Tanong sa akin nong auntie ni Zeph na sabi niya sa akin ay mama ni Brandon. Ngayon ay nandito kami sa sala, yung iba ay nasa labas, sa garden kumakain, pagkatapos kasing i-anunsyo kanina ang tungkol sa amin ni Zeph ay walang humpay na pag ko-congrats nila sa amin. They are all wishing for our good health and a healthy baby. Sa katunayan ay marami ang nagbigay ng regalo sa amin. Sobrang tuwang-tuwa ako sa nangyayari. I feel like I am belong in their family, ramdam ko na welcome ako sa pamilya nila.

I smile at auntie Brenda, mom of Brandon. Hindi ko maipag-kakaila na ang similarities nila ni Brandon, she had a long brown curly hair, maputi ang balat, medyo malaki ngunit singkit sa magkabilang gilid ang mata, pointed nose at medyo makapal na mga labi dahil na enhance ng pulang lipstick, she had a long and curl eyelashes, nakasuot ng pinaghalong itim at gray na long gown. Halata na din ang kunting wrinkles sa kanyang mata lalo na pag ngumingiti siya.

"Sa January po tita." Sabi ko habang nakangiti. Umalis si Zeph kanina, aniya ay saglit lang siya at iniwan niya muna ako sa kanyang auntie. Ngumiti ito.

"Naku! Sana lang magmana sayo ang itsura. Magandang bata ka." Sabi niya at tumawa kaya natawa nalang din ako.

"I really thought na you are just 17 or 18! Di ko inakala na 25 kana!" She laugh, nakakahawa ang pagka jamming nito.

Siguro ay nagmana si Brandon sa ama dahil tahimik lang naman ang isang iyon kumpara dito sa ina. And hindi na ako nagtaka na ganoon ang ekspresyon niya sa akin, halos lahat naman eh ganon ang unang napupuna sa akin, not because of my hieght! I am 5 flat and I think hindi naman yun kulelat.

Sa mukha lang talaga, masyado daw na bata ako tingnan sa mukha that's why nag memake-up ako pag may meeting sa opisina para di ako mapagkamalang substitute sa meeting o di kaya ay internship. Though pag sumasakay ako ng jeep ay nabibigyan ako ng student discount. Yun ang maganda!

"Teka, bakit ang tagal nila Brandon?" Aniya at kaagad na kinalikot ang phone, hula ko ay nag memesage na ito kay Brandon.

Nagtaka nga din ako at natagalan ang dalawa! Hmmm..
Napalingon ako sa bahaging gilid nong maramdaman ko ang pagpatong ng jacket sa aking balikat.

"Are you cold?" Si Zeph habang inaayos ang jacket sa aking balikat. Medyo tumango ako dahil yun ang totoo. I actualy feeling cold, kanina pa.. pano ba naman kasi eh sleeveless tong suot ko kaya ayan tuloy at malamig.

"How are you feeling? Are you hungry? Do you want to eat or just rest?" Seryoso ang mga matang tanong niya sa akin. He was staring at me like in-examin niya ang buong pagkatao ko.

"Naku! Ganyan dapat iho! Asikasuhin mong maigi yan!"  Napalingon ako sa auntie ni Zeph na ngayon ay nakangisi habang palipat-lipat ang mata sa amin ni Zeph na tila tinutukso kami.
I blushed!

"Oh? Pasado na ba Bren na maging tatay?" Ang mama ni Zeph habang may dala itong isang baso ng gatas kaya mas lalo akong nahiya dahil narinig niya pala ang tukso ng auntie ni Zeph. She place it infront of me at iminuwestrang uminom ako doon tumabi ng upo si Zeph at kinuha niya ang gatas at ibinigay sa akin.

Nag thank you ako at uminom ng kaunti at nakinig sa panunukso ng mga ito.

Natawa ang auntie Bren pati na din ang nasa gilid nito na sabi ni Zeph ay mga amiga nila ng mama niya, kanina ay may mga sarili naman itong mundo pero ngayon ay tila makikisali sa tuksuhan.

Nahawa ako sa tawanan at kwentuhan nila tungkol kay Zeph, ang mama ni Zeph ay walang ibang ginawa kundi ang ikwento sa amin ang mga nakakatawang pangyayari kay Zeph.

Kaagad kong naramdaman ang kamay ni Zeph sa aking hita, nakita ko pa ang pagsunod ng mga mata ng kanyang mama at auntie sa kamay ni Zeph sa aking hita pero binalewala nalang nila iyon at nagpatuloy sa pag-uusap.

Make LoveWhere stories live. Discover now