Twenty-second

3.3K 74 1
                                    

Palipat-lipat ang mata ko sa laptop sa harap at sa relo sa aking kamay at nang makita ang paglapat ng kamay ng aking orasan sa alas singko ay kaagad ako na tumayo.

Nag-text na sakin si Zeph kanina na susunduin niya ko dito para kumain at makapag-usap kami.

Parang alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin. I sigh!

At kanina pa ako nag-iisip ng kung ano ang gagawin ko.. Paano kung sasabihin niyang ayaw niya pakasal sa Lyndra ba yun? Ewan.
Papayag ba ko? Nakatitig ako sa salamin, sa mukha ko.

Ilang gabi na ako na walang maayos na tulog. Palagi nalang nag-iisip ng kung ano-ano. Alam kong hindi yun makabubuti, I tried my best pero di ako nakakatulog ng maayos, nagiiba din ang mood ko palagi at minsan di ko na alam ang nararamdaman ko! Bakit ganun?

I comb my hair.. Naglagay ng concealer sa ilalim ng aking mata para medyo maging invisible ang itim sa ilalim ng aking mata.
I put make-up, yung natural lang. Inayos ko din ang suot. Ang skirt at coat na sakto lang sa katawan ko.
Hinayaan ko ang nakalugay na buhok, ang haba na nito. Nasa may hips na, kailangan ko na magpa-salon.

Nang matapos sa pag-inspeksyon sa sarili ay lumabas na ako sa opisina habang nasa ka may ko ang aking bag.
Paglabas ay nakita ko na nag-aayos na ng gamit ang aking sekretartya.

“hello po ma'am” she greeted, nakangiti siya habang yumuko pa ng kaunti.

I smile at tumango.

“may nag-aantay po sayo ma'am, sundo mo daw.”

Tumango lang ako at nagpasalamat. Umalis na kaagad ako dun sa harap niya.

Habang naglalakad ay Di ko na maiwasan ang kabahan.

Paano nga kung hindi niya pakakasalan ang babaeng yun dahil nagkaanak siya sakin? Ano ang gagawin ko? Ano sasabihin ko? Na 'okay, gusto ko din naman na lumaki anak natin na buo pamilya'
I 'ayoko, ayako makasira!' taas ng pride.

“are you alright?”

Halos mapatalon ako sa gulat, napalingon-lingon ako sa paligid.. My gosh! Nasa garahe na pala ako.

Napaiwas ako sa gulat ng inabot niya ang aking leeg at noo.

“I'm fine.” ako

He stare at me at tumango.

“okay..” siya habang pinatunog ang kulay itim niya na sports car.

Nagulat pa ako ng abutin niya ang kamay ko, wala akong protesta dun.

Iginiya niya ako, he open the door in front, katabi ng driver's seat.

Pumasok at umopo na ako sa loob.
Halos mapapikit pa ako sa amoy niya sa loob. Ang bango!

Umikot siya at umupo na, sinuot ko ang seat belt.

“saan mo gusto kumain?” siya

Wala akong gana kumain, nagkibit balikat lang ako.

“do you want spaghetti?” siya

Nang marinig iyon ay lumakas lalo ang tibok ng puso ko at ang kutob na alam na niya na buntis nga ako. Sabagay.. Di ko naman nasabihan si Charlie tungko sa kay Zeph at sakin kaya wala sigurong pag aalinlangan niyang sinabi kay Zeph iyon.

“b-bakit naman spaghetti? A-ayoko nun!” iwas tingin ako.

Humalukipkip ako, kunwari ay nairita.

“alright” siya at nagsimula na na paandarin ang sasakyan.

Inis ako habang nakatingin sa pagkain sa harap. Andito kami sa isang Filipino restaurant, ako nagpili nito. Nung tinanong niya ako kanina sa daan ay sinabi ko na I want to eat a simple foods na Filipino recipes. Tinikman ko naman to kanina. Masarap naman pero ang ikinaiinis ko ay gusto ko ng Red and White spaghetti.
Nag order ako ng palabok kasi natakam ako. Okay naman pero talagang gusto ko ng spaghetti!

Make LoveWhere stories live. Discover now