Twenty-third

3.2K 79 1
                                    

Nang makapasok sa loob ay napangiti ako ng makita ang Red and White Spaghetti. Nangangamoy sarap.

He lead me to the chair, umupo ako. Kaagad niyang inayos ang plato sa aking harap, he ask me kung mag chopsticks ba ako o tinidor.
Hindi ako marunong mag chopsticks kaya nag tinidor ako.
Nagluto din siya ng iba-ibang ulam. It's like this is our dinner date. May Mongolian beef, afritada, may vegetables salad at Hindi ko na alam ang pangalan ng ibang pagkain.

Lahat ng gusto ko ay tinuturo ko nalang at siya na mismo ang kumukuha at naglalagay sa plato ko.

Hindi kami masyadong nagsasalita. I know.. Awkward!

"what time is it?" I ask, kanina kasi sa kotse ay tinanggal ko ang aking relo. Hindi naman kasi ako sanay o mahilig sa relo, I just wear it sometimes.

He glance at his wristwatch.
"almost 8, don't worry ihahatid kita."

Tumango nalang ako.

Akmang aabutin ko na ang pitsel ng siya na ang kusang nag abot nito. Kinuha niya ang baso sa gilid, nilagyan niya iyon fresh milk at ibinigay sakin, nagsalin din siya ng tubig sa isa pa na baso at inilapag sa harap ko.

"do you want to eat rice?" siya

Umiinom ako ng gatas.
Umiling lang ako at tumayo.

Tumaas ang kilay ko ng makitang tumayo din siya at naunang maglakad papuntang pintuan.

"let's talk" aniya. Seryoso ang boses at puno ng authority atsaka lumabas.

Huminga ako ng malalim at saka naglakad palabas. Just like before huh, just like before.

Nakaupo siya, seryosong-seryoso.

Umupo ako kaharap niya, ramdam ko ang mata niyang nakatitig sakin kaya tuloy nagdulot iyon ng sobrang kaba sa akin. But I composed myself.
I cross my legs at nakita ko pa kung paano sundan ng kanyang mata ang galaw ng aking paa.
Di man lang nahiya!

Nag ehem ako. Nakataas ang kilay ko nang magsalubong ang aming mata. Di siya ngumingiti, seryosong seryoso lang.

Humalukipkip siya at sinandal ang likod sa sofa, he close his eyes na tila ang daming problema sa buhay. Nang nagmulat ay kaagad siyang umayos ng upo.

"how are you feeling?" siya

Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

"nothing..?"
Taka kong tanong.

Tumango siya.

"buntis ka." dretsahan niyang sabi. Hindi iyon tanong.

Di naman ako nagulat, alam ko naman na dadating at dadating kami sa puntong ganito and like what I have said may kutob na akong alam na niya ito.

I sigh!

"Di mo man lang to sinabi sakin." puno ng hinanakit ang kanyang boses.
"wala ka bang plano man lang na ipa-alam ito sakin Belle? Kung Di lang dahil sa kaibigan mo Hindi ko pa malalaman to and I think wala ka naman talagang planong ipa-alam ito sakin." sumandal siya sa sofa at hinilot ang kanyang ilong na malapit sa kanyang magkabilang mata (yun bang pinagitnaan sa mata I'm sorry huhuhu Di ko po alam tawag nun).

Katahimikan..

Wala naman talaga akong plano na sabihin sa kanya to dahil una sa lahat.. Pagod na akong umasa na sa huli ako ang pipiliin! Pagod na akong umasa na sa huli hindi ako bibiguin! Pagod ako sa kakaasa na sa huli hinding-hindi ako iiwan!

"dahil ayokong bigyan ka ng sakit pa sa ulo Zeph!"

"and do you think Hindi sumasakit ang ulo ko ngayon belle?" aniya habang umahon sa pagkakasandal, galit at malamig lang ang kanyang titig.

Make LoveWhere stories live. Discover now