Thirteenth

3.6K 74 2
                                    

Rinig ko ang pag ring ng cellphone, I am still so sleepy, I tried to reach Zeph para masagot niya ang cellphone pero di siya nagising. Masarap talaga ang tulog.

I tried to reach it para masagot ko but the phone call end kaya bumalik nalang ako sa paghiga.

Tumunog ulit iyon sa isang panibagong tawag kaya inabot ko na.
I rub my eyes, I'm about to swipe it para masagot ko nang matigil ako dahil sa mukha at pangalan ng nasa phone.

Nakangiti siya habang may dala-dalang mineral water sa kamay. Nakalugay ang kulot na blonde nitong buhok. She is fair. Pointed nose at maarte ang aura pero maganda, yung tipong ma-iintimidate ka kapag kasabay o katabi mo siya.

-My Lyra-

Yun ang nakalagay na pangalan. Para akong sinaksak ng maraming beses sa puso, pakiramdam ko nalalasahan ko ang literal na pait sa aking dila, gusto kong maiyak pero pinigilan ko kaya imbes na sagutin ang tawag na iyon ay nilagay ko nalamang pabalik ang cellphone niya sa bedside table. Tumigil din naman ito sa pag tunog.

Humiga ako pabalik but again ay nag ring iyon. Persistent huh. This time ay nagising si Zepherus kaya agad akong nagpanggap na mahimbing na natutulog. Ramdam ko ang paggalaw ng kama at ang pagkatigil ng tunog.

“yes..” Mahina ang kanyang boses, tila nag-iingat na di ako magising.

“I'm sosorry, mahimbing ang tulog ko kaya di ko nasagot kaagad.”

Ramdam ko ang paglayo ng kanyang boses until narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto sa terrace.

Kaagad akong nagmulat, pinakiramdaman ko kung nasa paligid pa siya, Di ko na marinig ang kanyang boses kaya sigurado akong wala na siya sa paligid.

Kaagad akong bumangon. Nang papunta ako ng terrace ay rinig ko ang halakhak niya kaya kaagad akong nagtago sa may kurtina, naka off ang ilaw dito sa loob kaya nasisiguro kong di niya ako makikita.

“of course not” nakatawang sagot nito sa kausap. Sandali itong nakinig saka tumawa ulit.

“I will come of course. I miss you so bad”
Nakinig ito ulit. Mula sa ilaw ng buwan sa langit ay kita ko ang expression ng kanyang mukha. He is smiling so wide at tila pa kumikislap ang kanyang mata sa saya. I know I shouldn't feel jealous, di pa naman kumpermado kung kaano-ano niya ang kausap but my heart break into pieces dahil sa narinig ko.

“I love you lyr, pupunta ako sa engagement party natin. Pangako.”

Parang gumuho ang mundo sa akin.. Di ko alam kung ano ang gagawin ko, pakiramdam ko ay parang pinunit ng husto ang aking puso.

Di ko na kayang marinig pa ang kanilang pag-uusap kaya kaagad na akong bumalik sa higaan.

Sobrang sikip ng puso ko.. Di ako halos maka hinga sa sakit.. So ano lang pala ang ibig sabihin ng pagsasama namin ngayon? Laro-laro lang? Practice para sa nalalapit na pag aasawa? I wipe my tears. Bakit ganito? Di ko ba deserve ang mahalin?
I cover my mouth para pigilan ang paghikbi.

Do I really deserve this pain?

Di pa ba sapat ang sakit na dulot ni Dylan?

Kaya pala di siya open tungkol sa buhay niya, ikakasal na pala siya!
Umasa nanaman ako! Ang sakit!

Hanggang kailan ba ako paulit-ulit na masasaktan? Hanggang kailan ba ako paulit-ulit na iiyak at aasa?

Sabagay! Kasalanan ko naman to. Ako lang naman nagbibigay ng kahulugan sa mga pinaparamdam niya sakin. Wala kaming relasyon dalawa, ni di niya klinaro sakin kung ano kami. Ako lang ang umasa.

I waited for him to come back. I thought na hindi siya magtatagal sa pakikipag-usap sa fiance niya pero umabot nalang ng isang oras ay wala pa din siya.

Make LoveWhere stories live. Discover now