Seventeenth

3.2K 84 1
                                    

Ngayon ay kasama ko si Charlie sa hapag kainan. Tinototoo nga niya ang sinabing maaga siya at dito kakain. Alas syete palang nandito na siya. I told her na sabihin kay nanay at tatay na isasama niya lang ako. Buti nalang at naniwala naman kaagad sila nung sinabi ni Charlie na pupunta lang kami sa Doctor dahil magpapa check up siya sa migraine niya.

Charlie is staring at me while she is putting a powder in her face. Napataas ang kilay ko sa kanya.
She closed her press powder at saka tiningnan akong maigi.

Charlie is pretty. Hanggang balikat ang buhok niya, may pagka morena din, matangos at medyo bilugin ang mata. She is really pretty. Dati pa marami na ang humahanga sa maganda kong kaibigan. Marami na siyang naging karelasyon nung high-school at college kami. She is a bit play girl.

“nahanapan na kita ng doctor--- oh! Di Brandon pala ang pinaghanap ko.”

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pag ayos ng buhok.
Ngumisi siya. Creepy!

“at bakit ka nakangisi?” na ke-creepyhan ako sa kanya minsan, nakangisi lang naman kasi siya ng ganyan kapag... Oh no!

“Charlie naman, pagod na ko sa mga trip mo!”

Nagmamaktol ako habang kinukuha ang bag sa ibabaw ng table dito sa kwarto ko.
Tumayo na din siya. Una akong lumabas, inirapan ko siya at ang shunga lang nakangisi pa din.

Nagmano ako kay nanay at tatay at sinabing aalis na kami.

“mag ingat kayo anak, Charlie.” si tatay. I wave bye.

Sumakay kami sa kotse ni Charlie, I cross my arms saka nakanguso akong nakatitig sa daan.

“belle.. Gwapo naman si Doctor Rayuma at mabait pa.”

Mas lalo akong napanguso. Lagi siyang ganyan simula nung umuwi ako. Lagi niya akong hinahanapan ng ka date, naiinis ako! Mga Gwapo nga! Manyak naman!

Manyak....

Napahinga ako ng malalim nang maalala ko siya.. Gusto kong matawa. Manyak talaga? Gusto mo naman.

I sigh.

Nakakaiyak na natatawa talaga ako pag naisip ko siya.... Wala eh! Naghahanda na siguro sa engagement party yun! Sabagay.. Bagay naman sila ni Lyra, ang gandang babae ni Lyra. Swerte nalang siguro ako at pinatulan ako ni Zepherus dati.

“tahimik ah.”

Napalingon ako kay Charlie na nakangisi. Umirap ako.

“we are here!”
She declared, napalingon at tingala ako sa building.

“Tara na belle.”

Kaagad siyang lumabas at ganun din ako.

“okay naman talaga ako Charlie eh.. Na stress lang siguro talaga ako kagabi kaya ako nahimatay but I am really fine now.”

Inirapan niya ako, pumasok kami sa building, binati si Charlie ng guwardiya pati ako. Kilala si Charlie ah?

“I insist! Kailangan ka pa din matingnan nang makasiguro tayo.
Nasa 2nd floor ang clinic ni doc. Lika na”

Pumasok kami sa elevator. Pwede namang maghagdanan. Tamad lang.

Walang tao sa loob ng elevator.

“atsaka napapansin ko these past days namumutla ka minsan saka matamlay ka... I know naman kung ano ang dahilan niyan pero dapat parin mapatingin natin sa doctor para panatag kami.”

Lumabas kami sa elevator. Tama din naman si Charlie pero tingin ko ay hindi naman Doctor sa katawan ang kailangan... Psychologist ata, pakiramdam ko kasi mababaliw ako minsan sa sobrang pangungulila sa kanya.

Make LoveWhere stories live. Discover now