Chapter 8: The Sweet Ride

489 25 7
                                    

Jairus' Point of view.

"I'm Wendel Fujisawa. Long time no see, insan. Hindi ka pa din talaga nagbabago, Jairus Motichi." Nakangisi siya habang sinasabi iyon sa akin.

T*ngin* talaga! Hindi ko siya na mukhaan. 19 years old na 'ko ngayon at 7 years ago ang huli naming pagkikita.

Pumunta kasi sila sa Japan para dun na manirahan. Pero bakit ngayon? Nandito na siya? Kailan pa?

Aish. Siya pa naman ang pinaka close kong pinsan sa lahat. Kaso naiinis na ako sa kanya ngayon. Noon pa man din malaki na ang galit ko sa kanya. Kaya dapat hindi na lang siya bumalik dito eh.

At lalo na ngayon.. Dito pa talaga kami nagkita..

P*ta. Ayokong maging malapit siya kay Kaycee.

Isa pa, kaya ako naiinis sa kanya ay dahil lahat na lang ng meron ako, eh inaagaw niya. Halos lahat napunta na sa kanya at walang natira sa'kin.

Ang nagpalaki lang nang galit ko sa kanya eh yung inagaw niya sa'kin 'yong babaeng mahal ko. 'Yong taong mahal na mahal ko noon na inagaw niya.

Hindi ko na nga yun napasagot nung nililigawan ko siya kasi hindi daw niya ako mahal. Ang mahal niya daw ay yung pinsan ko... Si Wendel.

Kaya ayun.. Dun na nagsimula ang galit ko sa kanya. Alam niya iyon at hindi na ako magpapatalo sa kanya simula ngayon.

Hinding-hindi na talaga. Hindi ko hahayaang makuha niya si Kaycee sa'kin. Hinding-hindi ako papayag na mangyari pa ulit sa'kin ang nangyari sa akin noon.

Kaycee's POV.

Hindi ko alam kung bakit hindi na ako makagalaw sa kinakatayuan ko ngayon. Naka-akbay pa din sa akin si Jairus at hindi ko rin alam kung bakit hindi ko man lang kayang alisin yun.

Ang weird..

Yung mga tinginan nilang dalawa.. Nakakatakot! Nakatingin kasi sila sa isa't-isa ng masamang tingin. Parang nagpapatayan na silang dalawa sa mga tinginan nilang yun.

"Ahm, Jairus? Pwede bang umuwi na tayo? Pinag-titinginan na kasi tayo ng mga tao dito." Sa wakas! Nagkaro'n din ako ng lakas para makapag-salita.

"Oo nga kuya Jai. Uwi na tayo.. 'Wag na kayong gumawa ng eksena dito ni kuya Wendel." Pag sang-ayon ni Aramina.

Hindi naman sila kumibo na dalawa. Nako Lord! Ano po bang gagawin namin dito sa dalawang 'to? Ayoko pong mapag-tsismisan dito sa mall! T_T

At dahil ayokong mangyari iyon, wala sa sariling hinawakan ko ang kamay ni Jairus at hinila ito palabas ng Tokyo-Tokyo. Si Aramina na ang nagdala ng mga pinamili namin kanina.

"Haynako. Bakit ba ganito ang araw ko ngayon? Haayss." Bulong ko sa sarili ko. Ang pangit talaga ng gising koooo! T_T

*******

"So kaya pala ganon yung pakikitungo ni Jairus kay Wendel.." Sambit ko habang tumatango-tango ako. "Inggitero at seloso pala siya. Hahaha!" Dagdag ko pa.

"Yep. Sinabi mo pa." Atsaka nakitawa din siya. "Kaya nga ang swerte-swerte mo kay kuya Jairus eh. Mahal na mahal ka niya kasi."

"Heh! Manahimik ka nga diyan. Bwiset na 'to."

"Ayiieeee! Namumula ka bessy oh! Hahahaha!"

Parang tangang hinawakan ko naman bigla ang dalawang pisngi ko. Hala! Nag-iinit nga shet! >.<

Bakit ba nagkaka-ganito? Kinikilig ba ako? Eh hindi naman talaga ako kinikilig eh.

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon