Pagdating namin sa condo, bumaba agad ako ng kotse. Pumasok din kaagad ako sa loob. Susunod din naman siguro si Juliana dahil malaki na siya at hindi na siya kailangan pang alalayan pa.
"Oh, you're here." Bulalas ni Namjoon hyung ng makita niya ako. "Nang chix ka nanaman noh?"
"Grabe ka naman hyung. Porket ba ngayon lang nakadating nang chix na kaagad? Hindi ba pwedeng na late lang?" Anong nanaman? Hindi din naman ako nang chichix. Tsk!
"Saan ka ba kasi nagpunta ha? At late ka ngayon?" Sabi naman ni Jimin hyung habang nanonood kay Suga hyung na nag cecellphone.
"Kaya nga." Singit ni V hyung. "Nasaan na si Juliana? Hindi mo ba siya kasama?"
"Alien ka talaga Taehyung." Sabat ni Suga hyung habang nag cecellphone pa rin. Napatingin sa kanya si V hyung.
"Bakit nanaman?"
"Ang weird ng mga tanong mo, alam mo ba 'yon? Tinatanong mo si Jungkook kung kasama ba niya si Juliana eh kita mo namang hindi niya kasama. Obvious naman eh. Siya lang mag-isa at wala si Juliana."
"Bakit masama bang magta--"
"Ano ba hyung, tama na." Nanahimik naman silang dalawa. Bakit ba ang dami-dami nilang tanong? Concern ba talaga sila sa'kin? Nakaka panibago.
"Chill bro." Tinap-tap ni Namjoon hyung 'yong balikat ko. "Mga concern lang sila sa'yo kaya sila ganyan."
"Concern? Baka naman curious."
"Eh bakit ka ba kasi ngayon lang naka dating? Gabi na kaya."
"Nine o'clock pa lang hyung."
"Oh atleast gabi na rin 'yon! Papasok pa tayo bukas. Kaya bakit ngayon ka lang?"
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa tanong niya. Mahirap na kapag hindi ko sinabi sa kanya. Kukulitin lang ako ng kukulitin nito kapag hindi ko pa sinabi.
Lahat-lahat naman sinabi ko. Mula sa eskinita hanggang ngayon. Pero syempre except dun sa nag tutor kami ni Juliana. Hindi niya pa kasi alam na nagpapanggap akong Hiroto kay Juliana.
"Pupuntahan ko lang siya doon." Sambit niya. Lalabas na sana siya para puntahan si Juliana sa kotse pero pinigilan ko kaagad siya. Hinawakan ko siya sa braso niya.
"Ako na, hyung." Nginitian ko siya atsaka sabay lumabas na ako.
Pagkalabas ko sa condo, dumiretso agad ako sa kotse ko. Nakita ko siyang nakaupo pa din sa passenger seat.
Baliw ba 'to? Bakit ayaw pa niyang lumabas?
"Uy, Juliana tara na." Umupo ako sa driver's seat. Hindi ko naman papaandarin ang kotse. Umupo lang ako. "Hoy, bumaba na tayo." Pagkasabi ko nun, hindi siya sumagot.
Haynako, mga babae talaga. Ano bang nangyari dito? Bakit ba ayaw akong pansinin nito? Pangit ba 'ko para hindi niya ako kausapin? Ang sakit sa ulo nitong babae na 'to.
"Hoy Juliana! Pag bilang ko nang tatlo dapat--" hindi ko na nasabi ang sasabihin ko nang mapatingin ako sa kanya.
What the heck! Parang akong baliw dito na nagsasalitang mag-isa! Or should I say.. Ako pala ang baliw at hindi siya.
TULOG siya tapos kinakausap ko? Baliw nga ata ako.
Pinagmasdan ko lang naman siya habang natutulog. Ang amo ng mukha niya. Medyo kahawig pa niya si Lee Ji Eun at mukha pa siyang anghel kapag natutulog.
BINABASA MO ANG
The Life of Being a Fangirl
FanficIsang babae ang adik na adik sa isang Boy Group na ang pangalan ay Bangtan Boys/Bangtan Sonyeondan o mas sikat sa pangalang BTS. Meron siyang pinapangarap na member dun. Alam niyang isa lang siyang fan ng BTS pero umaasa pa din siya na baka magkatot...