Kaycee.
Mula pagka gising ko hanggang ngayon ay masama na ang pakiramdam ko. Hindi ko magawang makinig sa teacher namin. Bunganga lang siya ng bunganga ngayon. Hindi ko talaga kayang makinig lalo na't kaklase ko pa si Jairus.
Sa sinabi ni Juliana kanina, para akong nabuhayan ng konti. Umaasa ako sa sinabi niyang kapag mahal ako ng isang tao, gagawa at gagawa 'yon ng paraan para maayos ang lahat.
Sana ganon si Seokjin..
Ginawa ko na talaga lahat ng best ko para lang kausapin niya 'ko. Kaso wala. Ayaw niya talaga akong pansinin. Hindi ko na siya maintindihan at parang gusto ko ng sumuko.
Masakit na.. Sobra.
FLASHBACK:
Nandito kami ngayon sa Trinoma. After ng klase agad akong pinilit ni Jin na pumunta dito. Baliw na talaga.
"Bakit dito pa sa Trinoma? Bakit mall pa? Mga mahal ang mga binebenta dito." Sabi ko ng makapasok kami sa department store. Buti na nga lang walang nakakakilala sa amin dahil naka shades naman kami pareho.
"Di ba nga babawi ako sa'yo? Natapunan ko nga 'di ba yung home work mo kaya ka napagalitan. So let me do this. Akong bahala."
"Edi ikaw na mayaman!"
"Mayaman ka rin naman ah."
"Pero hindi sobra! Nagtitipid din ako."
"Fine." Hinila naman niya ako sa mga nagtitinda ng mga dress. Napa 'wow' na lang ako dahil sobrang ganda ng mga damit. "Pumili ka ng tatlo diyan."
"Ha? B-bakit damit?"
"Yan ang isusuot mo sa field trip." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Seriously? Naka dress habang nag fie-field trip? Saan ka nakakita ng ganon?
"A-ayoko niyan."
"Why?"
"Mag fie-field trip tapos naka dress? Saan ka naman nakakita ng ganon aber?"
"Ayaw mo non. Mukha kang prinsesa. Korona na lang ang kulang."
"Talaga ba? Eh sino 'yong prinsipe ko?"
"Syempre si Mario." Nag wink pa ang loko. Hinampas ko nga siya sa braso para hindi niya mahalata na kinilig ako. Langya! "Aray!"
"Aray ka diyan! Do'n na lang tayo sa mga T-shirts at blouses. Mas gusto ko pa 'yon." At kinaladkad ko na siya bago pa siya humirit. Pumasok kami sa isa sa mga botique na nakita ko.
Dahil sa mahilig ako sa mga simpleng design lang, pumunta kami sa puro T-shirt na may iba't-ibang designs. Simple lang ang taste ko sa fashion at kung bongga man, sa mga may events na 'yon.
"Dito ang gusto ko."
"Edi pumili ka na. Tatlo ha? 'Yan na 'yong pambawi ko sa kasalanan ko."
"Bakit ba tatlo? Kahit naman isa lang pwede na."
"Basta tatlo."
"Bakit nga? Dahil 'I Love You' ganon?"
"Ha? Hindi ah! Para may remembrance ka sa'kin."
"Ah ganon." Bwiset! Napahiya ako do'n ah!
Assuming ka kasi Kaycee ehh.
Nagsimula na lang ako na maghanap ng T-shirt. Dalawa na ang napili ko at isa na lang ang kulang. Ang hirap maghanap dahil lahat magaganda. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko.
BINABASA MO ANG
The Life of Being a Fangirl
FanfictionIsang babae ang adik na adik sa isang Boy Group na ang pangalan ay Bangtan Boys/Bangtan Sonyeondan o mas sikat sa pangalang BTS. Meron siyang pinapangarap na member dun. Alam niyang isa lang siyang fan ng BTS pero umaasa pa din siya na baka magkatot...