Prologue

1.5K 47 15
                                    

Juliana's point of view.

Binuksan ko yung laptop ko at nag open ng Facebook. Pagka-open ko pa lang, nagwala na agad ako sa kwarto ko.

Ang aga-aga, ang saya na ng araw ko! Kumpleto na agad! Hehehe.

"Kyaaaaaaah! Bangtaaaaaaann! May fanmeeting daw dito sa manila!" Sigaw ko. Oo alam ko, baliw nanaman ako. "Wohoooo! Punta akong MOA sa 24!" Masaya kong sambit habang binabato ko yung mga unan ko.

Omaygash! December 16 na today! Next month, January 24 na yung fanmeeting ng BTS dito sa Philippines! Ghaaaaaaadd! I'm so excited!!!

"Anak! Ano ba yan? Ang aga-aga, sigaw ka ng sigaw d'yan! BTS nanaman ba 'yan?"  ni Daddy ng buksan niya yung pintuan ng kwarto ko. Nakakunot nanaman yung noo niya tsk!

Isa akong daddy's girl. Wala akong Mommy dahil simula ng pinanganak ako, hindi ko na siya nakita pa. Sabi ni Dad, iniwanan daw kami ng Mommy ko pero hindi namin alam ang dahilan kung bakit kami iniwan.

Baby pa lang ako nun nang iwanan niya kami. Isa pa, sabi ni Daddy sakin, may nakakatanda daw akong kapatid. Bunso ako at dalawa lang daw kaming magkapatid. Lalaki yun at kasama niya ang Mommy ko kaya hindi ko rin pa yun nakikita.

Matagal ko ng gustong magkaroon ng kuya para protektahan ako katulad ng mga nababasa ko sa mga libro. Naiinggit din ako sa bestfriend kong si Aramina dahil siya may kuya.

Mayaman kami dahil kina Daddy pero yung Mommy ko daw katamtaman lang. Maswerte siya kay Dad pero nagtataka lang ako kung bakit iniwan pa niya kami. Hindi rin namin alam kung saang bansa siya pumunta.

Hindi ako galit sa Mommy ko pero nung nalaman kong sinabi sa'kin ni Daddy ang totoo, na iniwan niya kaming ng walang dahilan, nagalit din ako sa Mommy ko.

Hindi ko pa kasi masyadong maintindihan nun pero ngayon tinanggap ko nalang. Alam kong may dahilan kung bakit iniwan kami ni Mommy. Pero sa ngayon, umaasa nalang ako na magkikita kami at uuwi sila para samin ni Dad.

"Opo!" Tipid kong sagot habang nakangiti ako. Ang saya-saya ko lang kasi.

"O sige na. Bumaba ka na dahil kakain ka pa. Baka malate ka pa sa school."

Tumango ako at bumaba nako. Kami lang ni Daddy ang nasa mansyon. Pero syempre may mga yaya kami dito.

Tsaka malaki na rin ako. 18 years old na ako kaya hindi na nila ako inaasikaso. Pero si Dad, tinuturing pa rin akong baby girl niya. He said, I'm the princess and he is my King. Bossy din kasi siya kaya ganon haha!

Umupo na ako ng makarating kami sa dining area. Nasa harap ko si Dad at nakatingin sakin habang umiinom siya ng kape.

Ako naman kumuha nalang ng pagkain. Nakaka concious yung mga tingin niya. Yung para bang may gusto siyang sabihin.

"Ah Dad.. Next month po pupunta po ako sa MOA. May fanmeeting po kasi dun yung BTS. Sa January 24 po yun." Pag papaalam ko. Mahirap kausap si Dad sa mga ganitong bagay. Ayaw niya kasi na palagi akong umaalis. Pinapayagan niya naman ako basta daw may mga kasama ako.

"Sinong kasama mo?" Tanong niya.

"Kami pong tatlo nila Aramina at Kaycee." Naku naman! Sana pumayag kana. Hindi ko pa naman nasabihan sila Aramina at Kaycee tungkol dito.

"Okay." Mahinhin niyang sagot.

Napatayo naman ako sa kina-uupuan ko. Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na tuloy ma-ialis yung ngiti sa labi ko.

"Thankyou very much Daddy! Hindi niyo po alam kung gaano niyo po ako napasaya ngayon." Sambit ko. He's the best father to me! "I love you Dad!"

"I love you too my princess. Anything for you." Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sakanya at bumalik ulit sa upuan ko. "Eat your breakfast. Baka malate ka sa school."

"No Dad. May 30 minutes pa naman. Pupuntahan ko po sila Kaycee at Aramina sakanila and sabay na kaming tatlo papuntang school." at pinagpatuloy ko yung pag kain ko. Konti lang naman ito eh.

Tumango lang naman siya at kumain na lang din. May pasok pa naman din siya at CEO siya sa pinag tatrabuhan niya.

Ako naman simpleng 4th year high school lang naman ako. Fangirl din ng Korean Boy Group na BTS sa South Korea.

Ewan ko din sa sarili ko kung bakit na adik ako ng sobra d'yan. Basta ang alam ko lang masaya ako bilang isang fangirl. Hindi ko rin naman yun pinag sisihan dahil dun naman talaga ako masaya.

Si Jeon Jungkook ang gusto ko sakanilang pito. Siya ang Ultimate Bias ko sa BTS at may anim akong mga Bias Wreckers. Hindi nako makapili sakanila minsan dahil sa sobrang kagwapuhan nila. Palagi nilang sinisira ang Bias List ko haha!

Hindi ko pa sila nakikita sa personal pero sa January 24, may pagkakataon nako. Isa pa, since 2014 akong ARMY kaya naman para sakin kilalang kilala ko na sila.

Kim Namjoon, Kim Seokjin, Min Yoongi, Jung Hoseok, Park Jimin, Kim Taehyung, Jeon Jungkook.. Etong pitong na mga lalaking 'to, ito lang naman ang nagpapasaya sakin.

Maswerte din ako sa Dad ko dahil supportive siya sa pagiging fangirl ko.

I am just an ordinary girl who's deeply inlove with my bias. A Die hard fangirl of BTS. Sa pagiging fangirl ko, matutupad kaya nito ang pangarap ko? Yung mga kagustuhan ko?

Sana oo. Sana..

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon