"Daddy?"
"Juliana?" Gulat niyang sambit habang nakatingin sa akin. Para nga siyang may malaking question mark at exlamatory point sa ulo eh. Pareho naming hindi inaasahan na mangyayari 'to.
Eh musta naman ako? Parang akong papasukan ng langaw sa bibig dahil sa naka nga-nga ako. Nagulat talaga ako dahil hindi ko ito inexpect. Hindi ko inexpect na magkaka bungguan sila ni Taehyung sa harap ng resto!
Oo. Nandito na kami. Hindi ko nga namalayan na nasa tapat na pala kami ng pupuntahan namin. Ang liit nga naman talaga ng mundo.
"D-Dad.. Bakit po pala kayo nandito?" Tanong ko nang mapansin kong apat pala sila. Kasama pala yung parents ni Kaycee at mama ni Aramina. Pati na rin si Dad kaya apat sila.
"Ah, anak.. Nakalimutan mo na bang ngayon iyong araw ng pagkikita-kita natin sa BTS? Kaya naman nandito kami para makilala na 'yong mga nag babantay sa inyo." He explained. Nagsalubong ang mga kilay ko at napatingin na lang ako sa relos ko. I gasped!
IT'S 10:45 AM ALREADY!
"Late po ba kayo?" I asked. Napakamot siya sa ulo niya tapos tumango na lamang siya. Paano naman nangyari 'yon?
"Nag text si Kookie. Sabi niya nasa loob na raw sila." Saad ni Taehyung. "Pasensiya na po Mr. Morales. Late din po kasi kami. Tsaka sorry na din po pala kanina." Dagdag niya habang tuloy-tuloy sa pagyuko. Narinig kong natawa pa si Daddy.
"Okay lang iyon." Sabi niya rito. "Tama na ang pagyuko. Baka isipin nila baliw ka." Biro niya kay Taehyung tsaka ito tinapik sa balikat. Biglang kumunot ang noo niya.
"Pumasok na tayo sa loob. Baka nag hihintay na 'yong mga ibang members doon." Sabi pa ni Dad atsaka lumapit sa'kin. "Siya na ba yung Jungkook? Kung siya iyon, gusto ko siya para sa'yo." Bulong niya at tuluyan ng pumasok sa loob.
Daddy ko ba talaga 'yon? Si Taehyung? Na pagkamalan niyang si Jungkook?
Hindi naman sila magkamukha kapag sa personal. Tsk.
"Uy Juliana! Mana ka sa tatay mo noh? Ang sakit niyong magsalita!"
"Ano ka ba. Binibiro ka lang non. Hindi masamang tao si Dad. Sadyang mahilig lang 'yon mag biro."
"Kagaya ko?" Nakangiti niyang sabi sabay turo nito sa sarili niya.
Natawa naman ako. "Oo! Kagayang kagaya mo! Pareho kayong abnormal."
"Grabe ka ah! Pogi naman ako."
"Pogi din naman ang Daddy ko." Tsaka ako nagsimulang maglakad papasok sa loob. "Tara na!"
"Ayoko! Sabihin mo muna ang gwapo ko." At nag pogi sign siya. Tinaas-taas pa niya ang dalawa niyang kilay. Ang kulit talaga.
"Heh! Bahala na diyan!"
"Sige na Juliana! Isang beses lang naman."
"Ayoko!"
"Bahala ka. Hindi ako sasabay sa'yo."
"Edi 'wag kang sumabay." Iniwanan ko na siya. Maya maya lang, naramdaman ko na lang na kasabay ko na pala siya sa paglalakad. Hindi ko na siya pinansin at tumuloy na lang kami sa kina-uupuan nina Dad. Nakita ko na din doon sila Namjoon.
"Saan ba kayo galing na dalawa? Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Aramina ng maka-upo na kami ni Taehyung. Hindi naman ako naka sagot agad dahil alam kong lahat sila nakatingin sa amin. "Mamaya ah." Sabi niya kaya hinayaan niya na 'ko.
BINABASA MO ANG
The Life of Being a Fangirl
FanfictionIsang babae ang adik na adik sa isang Boy Group na ang pangalan ay Bangtan Boys/Bangtan Sonyeondan o mas sikat sa pangalang BTS. Meron siyang pinapangarap na member dun. Alam niyang isa lang siyang fan ng BTS pero umaasa pa din siya na baka magkatot...