Chapter 16: Where?

410 22 1
                                    

"This is your bedroom." Sabi ni Rapmon habang nakataas pa ang dalawa niyang kamay. Nasa loob na kasi kaming dalawa ng kwarto na pagtutulugan ko. "Pero hanggang 5 months lang."

"Okay!" Umupo ako sa kama k-- este sa magiging kama ko pala. "Thank you Namjoon. Ang ganda dito."

"Alam niyo bang kayo pa lang ang ARMYs na makakasama namin dito?" Sambit niya kaya napatingin ako sa kanya. "You're lucky.. Including your friends.. Ang swerte niyo dahil kayo ang nabunot namin."

"Oo nga eh. Hindi namin iyon inaasahan." Hindi ko inaasahan na makakasama kayo sa iisang lugar.. "Ahm, paano na pala 'yan? Edi dudumugin na din kami ng ARMYs? Baka kapag lumabas kami ng condo bigla na lang nila kaming saktan dahil kami ang kasama ninyo."

"That's not going to happen."

"Imposible 'yon."

"Sinabihan na sila ni Manager Bang PD-nim." Ha? Paano nangyari 'yon? Ni hindi ko nga siya nakita kanina. "Sinabi niya na kapag gusto nilang mag papicture o magpa autograph sa amin.. Tatanungin daw dapat muna kami kung papayag ba kami o hindi. Kapag naman hindi nila kami tinanong o kapag dinumog nila agad kami.. Sinabi ni Manager Bang PD-nim na hindi na daw ulit kami mag coconcert dito sa Philippines. Maski kayo, kapag sinaktan nila kayo. Sinabi niya 'yon nung makaalis na tayo sa MOA."

Parang tumalon-talon ang puso ko sa narinig ko. Nakakatuwa na inaalala talaga kami ni Manager Bang PD-nim. Ang bait niya talaga. Ayaw niya talagang may masaktan ni isa sa amin.

"Safe kayo sa'min don't worry." Nakangiti niyang wika. Napangiti din tuloy ako.

"Totoo ba 'yong sinabi ni Manager Bang PD-nim? Na kapag dinumog tayo ng ARMYs ng walang paalam.. Hindi na kayo mag coconcert dito?"

"I don't know. Pero sa tingin ko, panakot lang niya iyon sa mga ARMYs para hindi nila tayo guluhin."

"Sana nga panakot lang niya.." Hindi pa ako nakakapuntang concert ng Bangtan noh! Kahit na kasama ko na sila, gusto ko pa ding maging part ng ocean!

That is my dream..

"Ah, eh maiwan na kita dito ah? May aasikasuhin pa kasi ako."

"Sige lang, okay lang. Ayos lang ako dito."

"Are you sure?"

"Yeah."

"Okay." Lumabas na siya ng kwarto. Hindi pa man ako nakakatayo sa kama ng magbukas ulit ang pintuan at nakita ko ulit ang mukha niya. "Oh before I forgot.. Kapag tapos ka na diyan, pwede mo na ding puntahan yung mga kwarto ng kaibigan mo."

"Sige, sige." Ngumiti ako at ngumiti din siya. Ang cute ng dimples niya! Omayghad!

"Enjoy your new room." Sabi niya at tuluyan na ngang lumabas. Siguro sina Aramina naman ang pupuntahan niya.

Oh gosh! Hindi talaga ako makapaniwala na titira na kami dito kasama ng Bangtan. Ang saya-saya lang na mapapalapit na ako sa kanila at lalo na kay Jungkook!!!

"Heaven.." Humiga ako sa malambot kong kama. Napapikit ako at napangiti. Thank you, Lord.

Sana sa loob ng 5 months maging masaya pa at memorable. Gusto kong gumawa ng masasayang alaala kasama ang Bangtan.

Sana din hindi na ako masyadong mahiya. Nahihiya pa kasi ako sa kanila dahil first time kong maranasan ito. Minsan hindi ko na alam ang gagawin ko.

Masasanay ka din niyan, Juliana. Baka sa susunod masisigawan mo rin sila at makakausap na parang normal na kaibigan lang. Hindi yung bilang fangirl lang..

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon