Chapter 28: Need Distance

301 19 13
                                    

"Juliana.." Tawag niya sa akin. Tinignan ko lang siya sa mga mata niya kaso walang ekspresyon 'yon. Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya.

Hindi ko alam pero hindi ko talaga napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya. That was my first time. First time ko siyang masampal. Napaiwas siya ng tingin sa akin.

"Why are you here?! Kanina ka pa ba nandito, ha?! Ang lakas ng loob mong magpakita pa sa'kin!" Sigaw ko sa mismong mukha niya kaya napatingin na siya sa'kin. Seryoso ang mga mata niya at iyon lang ang nakikita kong ekspresyon mula sa kanya.

"Juliana, please calm down. Nandito ako--"

"Paano naman ako kakalma ha?! Ni sarili ko nga hindi ko mapakalma tapos ikaw papakalmahin mo ako?! Damn Jungkook." Huminto ako saglit para habulin ang hininga ko. Hindi ko talaga mapigilang maiyak.

"Bakit mo ba ginagawa 'to Jungkook? Bakit mo 'ko sinasaktan? Naiintindihan ko naman na sikat ka kaya maraming dumudumog sa'yo. Pero yung magpapa picture ka nang may kasamang halik? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo man lang tinulak 'yong ARMY na 'yon! Kahit naman na hinatak ka nun pwedeng pwede mo pa ding tulakin 'yon dahil alam naman nating lahat na bawal na bawal ang gano--"

"Juliana kumalma ka."

"Paano nga ako kakalma ha?! Hindi ko kayang kumalma Jungkook! Ni hindi nga maalis alis sa utak ko yung nangyari kanina tapos kakalma ako?! Palibhasa kasi hindi mo alam kung anong nararamdaman ko!"

"Alam ko ang nararamdaman mo Juliana!" Natigilan ako ng biglang tumaas ang tono ng pananalita niya. Nagkatitigan kaming dalawa. "Hindi niya ako hinalikan sa labi, okay?! Sa gilid lang 'yon! Sa gilid lang tumama kaya humihanon ka na!"

And with that, hindi ako nakasagot. Napatitig ako sa gilid ng labi niya at doon nga lang iyon dumampi dahil may lipstick pang naiwan do'n.

Pero kahit na.. Masakit pa din dahil nasa harapan ko pa sila non.

"Kahit nasa gilid lang 'yon Jungkook! Masakit pa din para sa akin dahil nasa mismong harapan ko pa kayo non. Masakit para sa akin na makita ang bias ko na may nanghalik sa kanya. Ayokong ayoko nga na shiniship kayo sa ibang girl group eh! Tapos ngayon hihinahon ako? Sa tingin mo ba kaya kong huminahon o kumalma?! Hindi Jungkook. Hindi ko kay--"

"Juliana please!" Sigaw nanaman niya kaya napahinto ako. "Please stop acting like you are my girlfriend! Just accept the fact that I will never be yours."

</3

Sa pangalawang pagkakataon, nasampal ko nanaman siya. How dare him to say that to me? Kung alam niya ang nararamdaman ko.. Kung alam niyang nasasaktan ako, then why did he said that?!

"Sorry ha?! Sorry kung nasampal kita. Sorry kung ganito ako. Sorry kung assuming ako. Sorry kung nagseselos ako kahit hindi naman dapat. Sorry kung nagpapaka tanga ako sa isang tao na hindi naman ako mahal! Sorry ha? Sorry kung minahal kita. Sorry kasi wala akong ibang ginawa kung hindi ang mahalin ka."

"Julian--"

"Ano?! Ano pa bang sasabihin mo?! Sa tingin mo ba Jungkook kasalanan ko ba na minahal kita, ha? Kasalanan ko bang ikaw 'yong minahal ko at hindi yung ibang tao? Kasalanan ko ba?!" Shit! Ayaw talaga tumigil ng mga peste kong luha.

"Hindi naman sa ganon." I was chasing my breath kaya hindi muna ako makapagsalita. "Just please listen to me, okay? Hindi ko naman ginustong saktan ka. Believe me. Lahat ginagawa ko para mapalapit lang ako sa'yo."

"And what? Feeling ko sa tuwing magkasama tayo lalo lang akong nasasaktan. Sa tuwing magkasama kasi tayo umaasa ako na magkakaron ako ng chance sa'yo. Pero wala eh. Nasasaktan lang ako. Natural lang naman kasi na umasa ako sa'yo dahil may gusto ako sa'yo."

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon