Bumangon ako sa kama ko sabay kusot kusot ng mga mata ko. Napagod ako kagabi dahil din sa kahahanap kay Taehyung.
Pag tingin ko naman sa orasan.. Teka!
O____O
"PUTCHA! BAKIT NGAYON PA?!" Agad akong pumasok sa CR atsaka naligo ng mabilis.
Late na 'ko nang gising shet! >_<
"Bakit? Bakit? Bakit ngayon pa?!" Nagmamadali kong sabi habang nag babanlaw. "Ayoko ma-iwanan ng bus bwisit!"
Pagkatapos maligo ay sunod ko namang ginawa ay ang magbihis. Ugh, kainis! First time kong ma-late ng gising. Ang malas pa talaga na sa ngayong field trip pa!
Bakit kasi hindi ako ginising ni Kaycee? Bwisit na 'yan! Dapat talaga kasama si Aramina eh!
Kumain ako ng konti at dali-daling nagsuot ng sapatos. Hindi pa ako nakakapag suklay dahil nga sa nagmamadali ako. Hawak hawak ko lang ito.
Umalis ako kaagad ng condo atsaka pumara ng taxi. Wala na sila Kaycee at yung Bangtan. Siguro naka alis na sila.
Ang malas din na ang bagal pa nang taxi! Ugh damn. I need my car! Ka badtrip naman kasi si Daddy!
"Kuya naman! Pakibilisan naman ho. Late na ako."
"Pero--"
"Wala ng pero pero! Bilisan mo na lang mag maneho dali!"
"Pero traffic miss."
"WHAT?"
"Traffic."
"Aish, bwisit talaga!" Napahilamos ako ng mukha atsaka huminga ng malalim. Paano na ako makaka abot nito? Sayang tuloy 'yong pinambayad ko.
Isip Juliana, isip isip isip isip-- Aha!
Since sa passenger's seat ako naka upo, hinatak ko bigla ang driver papalapit sa pwesto ko.
"Palit tayo kuya, dali!"
"A-ano?!"
"Palit tayo pwesto!"
"Pero ba--"
"Andaming tanong. Basta bilisan mo na lang! Late na 'ko kuya!"
"Marunong ka bang mag drive?"
"Marunong ho ako. Gagawin ko ho ba ito kung hindi ako marunong?"
"Pero miss--"
"Andaming satsat. Babayaran ko ho kayo ng malaki basta pag bigyan niyo lang ho akong gawin ito ngayon. Sige na po."
"Oh siya sige, sige. Mag iingat ka ah! Huwag mo akong idamay."
"Opo." Nagpalit kami ng pwesto. Nasa driver's seat ako at nasa passenger seat naman si manong. Ang hirap ng sitwasyon ko ah!
Hindi din madaling mag drive lalo na't nagmamadali pa ako. Tsk!
Agad naman akong dumaan sa shortcut na alam ko. Buti na lang medyo malapit lang ang GPU sa condo. Hindi ako masyadong mahihirapan sa pag mamaneho. Good thing.
Taehyung's POV.
Kanina ko pa tinatawagan si Juliana kaso hindi naman niya sinasagot ang tawag ko. Nasaan na ba 'yon?
Pag-alis ko kasi sa unit, tulog pa siya. Ayoko naman siyang gisingin dahil alam kong masisira lang ang tulog niya. Ginabi na din nga kasi kami ng uwi kagabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/131978235-288-k701.jpg)
BINABASA MO ANG
The Life of Being a Fangirl
FanfictionIsang babae ang adik na adik sa isang Boy Group na ang pangalan ay Bangtan Boys/Bangtan Sonyeondan o mas sikat sa pangalang BTS. Meron siyang pinapangarap na member dun. Alam niyang isa lang siyang fan ng BTS pero umaasa pa din siya na baka magkatot...