Chapter 14: Best Day Ever

437 20 6
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang aking dalawang mata. Pagmulat ko, agad kong nakita ang mukha ng dalawa kong matalik na kaibigan.

"Hala Aramina! Nagising na si Juliana oh!" Sigaw ni Kaycee. Umupo ako at nakita kong papalapit sa amin si Aramina na may dala-dalang tatlong bote ng tubig.

"Malamang! Alangan namang patay na 'di ba?" Pabalang na sagot sa kanya ni Ara. Inirapan lang siya ni Kaycee. Ano ba 'to? Mag babangayan pa sa harapan ko?

"Dapat kasi sinabi mo.. 'Gising' na." Inabot niya sa akin ang tubig na hawak niya. "Uminom ka muna Juliana. Baka naman kasi naiinitan ka lang ng sobra kanina kaya ka nawalan ng malay." Dagdag pa niya.

Kinuha ko ang ang tubig sa kanya pero hindi ko muna iyon binuksan. "Teka lang. Nasaan pala tayo? Nasaan din yung Bangtan? Tapos na ba yung event? Naka-uwi na ba sila? Ano? Sumagot naman kayo!" Sumimangot ako. Sayang yung binayad ko dito kung hindi ko sila makikita ng matagal noh!

"Huminahon ka muna Juliana. Relax." Ani Aramina. "Kasi ano eh.. Ahm.." Kainis naman 'to. Bakit hindi niya pa ituloy?

"Kasi ano?" Napakunot ang noo ko. Ang tagal nila magsalita. May problema ba? "Kasi ano, ha? Kasi wala na sila? Wala na yung Bangtan? Naka-uwi na sila? Tapos na yung event? Ganon ba ang gusto mong sabihin ha Aramina?" Hindi ko inaasahan na may mamumuong luha sa mga mata ko. Ewan ko pero ayoko pa talaga silang umuwi at ayoko pang matapos ang event.

Ayoko!

Bakit ba kasi nawalan pa ako ng malay kanina? Letse. Iyon na 'yon eh. Nasa harapan ko na si Jungkook tapos mawawala lang dahil sa pagkawala ko nang malay. Letse talaga.

Nag dasal naman ako ah? Nag dasal ako bago pumunta dito. Akala ko pa naman hindi na ako hihimatayin pero-- Damn! Nakakainis.

"Hindi sa ganon Juliana. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Patapusin mo muna kasi a--"

"Anong patapusin Aramina? Eh ang bagal mong sumagot eh! Isa pa, tinapos ko na 'di ba? Tinapos ko na dahil 'yon din naman ang sasabihin mo. Halata sa itsura mo Ara!" Tuluyan ng bumagsak ang mga luha kong kanina pa gustong bumagsak.

Bakit ba ako nagkaka ganito? Hindi ko mapigilang isipin ang negative vibes. Ayoko kasing sabihin ni Aramina 'yon dahil guguho talaga ang mundo ko. Ayokong marinig sa kanya na nakauwi na ang Bangtan at tapos na ang fansign event.

Akala ko magiging masaya 'tong araw na 'to dahil nga makikita ko na ang BTS. Akala ko makakausap ko na si Jungkook ng maayos ng hindi ako nawawalan ng malay. Pero 'yon pala puro AKALA lang pala. T___T

"Juliana naman kasi. Pwede bang manahimik at makinig ka muna kay Aramina? Tama siya, Juliana. Pwede bang patapusin mo muna siya?" Mahinahon na pagkakasabi ni Kaycee.

Tumango na lang ako dahil wala na akong natitirang lakas para magsalita pa. Hinayaan ko na lang na tumulo ang mga luha ko.

"Nandito tayo ngayon sa tent ng mga staff ng Bangtan." Sabi ni Ara kaya napatingin ako sa paligid.

Oo nga noh. Ngayon ko lang napansin na nasa tent nga kami. Pero paano naman kaya kami napunta dito?

"Nung nawalan ka nang malay kanina, biglang may nagsilabasan na mga staffs at tinulungan ka nila. Si Manager Bang PD-nim ang nag utos sa mga staff na dito ka nila dalhin. Nagulat nga kami ni Kaycee dahil bigla kaming kinausap ni Manager Bang PD-nim. Biro mo 'yon, kinausap kami ng manager ng Bangtan. Syempre swerte kami do'n ni Kaycee at pati na din ikaw dahil tinulungan ka niya."

Nahinto ako sa pag-iyak habang nag kwekwento si Aramina. Tanging hikbi ko na lang ang nadidinig ko. Namamaga na nga daw yung dalawang mata ko dahil sa kaiiyak sabi ni Kaycee.

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon