Chapter 42: Why?

288 10 10
                                    

Juliana's point of view.

Bumalik na kami ni Jungkook sa field dahil isosoli niya na daw yung kabayong ginamit namin. Tinulungan niya 'kong makababa then pumunta siya sa may mga kabayo para doon iyon isoli.

Habang hinihintay ko siya, ginala ko ang mga mata ko sa buong field. Ang lawak talaga. Ang ganda pa ng simoy ng hangin dito. Masarap mag relax dito kapag may problema ka.

Maya maya pa ay natanaw ko sa hindi kalayuan sina Kaycee at Jin!

Nagpipicnic ata sila at mukha namang masaya silang dalawa na nag kwekwentuhan. Napangiti ako dahil ngiting-ngiti si Kaycee. Masaya na ako para sa kanila.

Sila na ba? Kung titignan, parang sila na. Mabuti na lang at hindi sila dinudumog ng mga fans kahit kalat sa buong mundo na kailangan ng privacy ang Bangtan. 

Syempre kasali kami dong tatlo. Kilala ng ibang ARMYs na kaming tatlo ang maswerteng nabunot ng Bangtan. Kaya nga minsan yung iba ayaw sa amin. Ewan ko bakit ganon. Inggit siguro kaya ganon hahaha!

"Kayceeee!!!" Tumakbo ako papalapit sa kanilang dalawa. Nahinto sila at sa akin napunta ang kanilang atensyon.

Ang epal ko eh noh?

"Juliana?" Gulat niyang tanong ng makarating ako sa harapan nila. "Anong ginagawa mo dito?"

"Engot ka ba? Kasama ako sa field trip!"

"Gagi alam ko! Ibig kong sabihin.. Bakit ka nandito sa field? Anong ginagawa mo dito?"

"Kasama ko si kuneho."

"Kuneho?" Nagsalubong ang dalawang kilay nila ni Jin na nakatingin pa talaga sa akin na para bang nagtatanong kung sino si kuneho.

Magsasalita na sana ako ng maunahan na ako ni Seokjin. "Kuneho, si Jungkook 'yon. Si Jungkook ang tinutukoy niya." Natatawang niyang sabi.

"Eh bakit kuneho? Mukha ba siyang kuneho?!"

"Oo!" Sabay naming sambit ni Jin.

"Ha?"

"Hatdog."

"Ano ba Seokjin!"

"Mukha nga kasi siyang kuneho dahil sa malaki niyang ngipin sa harap. Don't you know that?" Sabi ko sa kanya.

"Alam ko 'yon. Nakalimutan ko lang."

"Kuneho siya kasi dahil din sa bunny smile niya." Ani Jin.

"Alam ko, alam ko." Naiiritang sabi ni Kaycee. Mapipikon na naman 'to. Hahaha!

"ARMY ka tapos hindi mo alam 'yon prinsesa ko? Matanda ka na ba para maging ul--"

"What the PRINSESA KO?!" Pareho silang gulat na napatingin sa akin. Nagpantig talaga ang mga tainga ko sa sinabing 'yon ni Jin.

Prinsesa ko?

Umupo ako sa gitna nila atsaka ko sila tinignan na may kasamang ngisi. Sa itsura nila, halatang kinakabahan silang dalawa eh.

"Kayong dalawa umamin nga kayo sa'kin.." Sarkastikong sabi ko habang nililipat lipat ko ang paningin ko sa kanila. Matagal tagal bago sila makasagot.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kaycee.

"Sabihin niyo sa akin yung totoo."

"Anong totoo? Hindi kita maintindihan Juliana. Diretsuhin mo na lang kami."

"Kayo na ba?"

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon