Chapter 19: Thank You

328 16 3
                                    

Juliana.

Nandito ako ngayon sa bahay sa kwarto ko. Kakauwi ko lang galing school then tsine-tsekan ko ngayon ang pinagawa kong question and answer kay Hiroto.

Tinu-tutor ko pa din naman siya. Isang linggo na din ang nakalipas simula nung nabunot kami ng Bangtan. Yung ibang gamit nga namin nasa condo na nila eh.

Time flies so fast. Close na close na kaming tatlo sa Bangtan. Hindi na nga din kami nagkakahiyaan eh. Pero kapag si Hiroto naman ang pinag-uusapan, ayun. Hindi pa ako sanay hanggang ngayon na kasama siya.

Palagi ko na lang siyang napagkakamalang si Jungkook. Minsan natatawag ko siya na Jungkook. Nahihiya na ako syempre pero mabuti na lang at hindi siya naiinis sa akin.

Bakit kasi magkamukhang-magkamukha sila eh. Siguro nung nanganak 'yong mama nito sa kanya, may picture pa ni Jungkook sa tabi nung kama niya.

"Hoy, Juliana! Ilan ba score ko ha?"

"Teka lang, pwede? Marunong ka naman sigurong maghintay 'di ba?"

"Ang taray mo alam mo ba 'yon? Parang tinatanong ka lang eh."

"Ang gulo mo kasi!"

"Anong magulo? Nakaupo nga lang ako dito tapos magulo? Alien ka din noh? Parang kang si V hyung."

Bigla akong natigilan. What did he just say? V hyung? 'Yon ba ang sinabi niya?

V HYUNG?!

Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. V hyung? Saan naman niya kaya 'yon nakuha? ARMY ba siya? Oh sadyang nabingi lang ako? "V hyung?"

"Oo V hyung. Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Bingi ka ba?" Aba at! Hindi ba pwedeng hindi lang nadinig? Nakakarinig pa din naman ako! "Huwag mo nga akong pagkunutan ng noo. Mukha ba akong nagsisinungaling, ha?"

"T-teka lang kasi! Ang gulo mo talaga." Paano naman kasi niya nakilala si Taehyung 'di ba? ARMY ba talaga siya? Nakakapang sakit ng ulo 'to ah! "How did you know that his name is V? Are you an ARMY? How did you know them?"

"Ang ano? BTS?" Tumango ako. "Ah yun ba? Ahm, f-fan din kasi ako ng BTS. ARMY din ako kagaya mo k-kaya kilala ko sila." Paliwanag niya habang nagkakamot pa sa ulo niya.

"Seriously?"

"Yep."

"Fanboy?"

"Oo nga."

"Kailan pa?"

"Nung last week?"

"Weh? Sure?"

"Oo."

"Hindi nga?"

"Oo nga!"

"Talaga?"

"OO NGA!"

"Ahh edi wow." Hindi ko alam pero natawa ako. Wala lang. Trip lang. Natawa din ako sa reaksyon niya kasi eh. Parang si Maxpein. 👉 -_____- 👈

"Oh anong nakakatawa?" Masungit niyang tanong sa akin.

"Wala lang. Trip ko lang tumawa."

"Tsk. Baliw!"

"Ka!" Sabay tawa ko pa. Hahaha!

"Aish! Ewan ko sa'yo. Nakakahawa 'yang kabaliwan mo." Bigla siyang tumayo kaya nahinto ako sa katatawa. Papunta siyang pintuan kaya pinigilan ko na siya kaagad.

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon