Chapter 30: Meet the Enemy

356 15 17
                                    

Saktong lunch ay pumunta kami ni Hiroto sa garden para doon kumain. Wala sila Aramina at Kaycee dito dahil kasama nila sila Chimchim at Jin.

Nawawalan na nga kami ng oras dahil sa kanila. Walang sawa si Aramina sa kakabuntot niya kay Jimin. Eto naman si Kaycee hindi na talaga maitago ang feelings para kay Jin. Mga close na talaga sila sa isa't-isa.

Mag babayad talaga silang dalawa sa akin! Mga bestfriends ko nga talaga. Tsk!

"Bakit ba tayo dito pumunta? Pwede naman tayong kumain sa canteen." Reklamo ni Hiroto sa akin. Nakaupo kaming dalawa sa isa sa mga bench dito sa garden.

Ang ganda talaga dito. Maraming makukulay na bulaklak at mahangin pa. Tamang tama lang sa mga taong gustong mag relax.

"Eh sa paborito ko 'tong lugar dito sa school eh. Dito ang tambayan namin ng mga kaibigan ko. Magandang tumambay dito dahil walang masyadong estudyante. Masarap pa dahil mahangin kaya nakakapag relax ka."

"Boring!" Tatayo na sana siya pero agad ko itong pinigilan. "What?"

"What ka diyan! Dito ka nga! Alam mong lonely ako tapos iiwanan mo ako. Bakit ba lahat na lang ng tao iniiwanan ako? Si Ara, si Kaycee iniwanan na nga ako tapos ikaw iiwanan mo din ako. I hate you!"

"Ang daldal mo." Natatawa niyang sabi habang umiiling-iling pa. Nairita ako kaya umiwas ako ng tingin at pinag krus ang mga braso ko.

"Hoy pansinin mo 'ko." Hindi ko nga siya pinansin. Bahala siya diyan! "Are you mad?" Hindi ba obvious? Tinatanong pa niya talaga. Tsk! "Uy, Juliana." Juliana your face! Bahala ka diyan. "Okay, fine. I have to go."

"Teka!" Damn it! Nag pantig talaga 'yong tenga ko nung sinabi niya 'yong huli niyang sinabi. Pagharap ko na lang ay nakatayo na siya at nakatalikod na sa akin. Buti na lang nahawakan ko siya sa braso. Kung hindi, umalis na siguro siya.

Seryoso ba siya talaga do'n?

"Why did you stop me?" Sabi niya ng hindi pa din humaharap sa'kin. "I thought you are mad." Dagdag pa niya.

Ano bang iniisip nito? Seryoso ba talaga siya? Nagbibiro lang naman ako. Bakit kasi ang daming nang iiwan eh.

"What are you talking about? Baliw ka na ba? Tara nga dito!"

"I don't want."

"Hiroto!"

"Why?"

"Dito ka nga sabi!" Tumaas nanaman ang boses ko dahilan para mapaharap siya sa akin at umupo sa tabi ko.

Nakangisi ang loko. -___-

"Why don't you want me to go away?"

"Ano ba! Kanina ka pa english ng english diyan ah! Na no-nosebleed na ako sa'yo!"

"Nag-aral na kasi ako ng mabuti sa english since hindi mo na ako na tututor. I know na busy ka kaya hindi mo na na-aasikaso yung pagtututor mo sa akin. So I did my best to achieve my english skills. Sinabi ko na rin naman na kay ma'am Valencia na ihinto niya na yung pagtututor at inihinto na nga niya."

Pinagmasdan ko lang ang mga bulaklak na nasa harapan namin. Nakakahiya kay Hiroto ang ginawa ko. Napilitan pa tuloy siyang mag-aral ng mag-isa sa english.

"But don't worry. Maayos na 'yong grades ko sa english kaya thank you na rin sa'yo kahit na konti lang yung panahon ng pagtututor mo sa akin. Nakilala kita dahil doon at masaya ako na magkaibigan tayo." Nakangiti at seryoso niyang sabi. "Oh tagalog na 'yon ah! Baka sabihin mo ma-nosebleed ka nanaman diyan."

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon