Kabanata II

39 16 3
                                    

Kabanata II. Ang Unang Misteryo

What? I heared some chicken sound and as far as I remember we don't have chickens in our house so where does this tiktilaok came from?

"Florenza! Gumising na! Gising na ang araw ngunit ika'y nananatili pa ring nakahiga. Halika na at samahan mo ako. Tayo'y tutungo sa bayan."

"Mom, Can I sleep for another 15 minutes? I'm still sleepy..." Pinilit ko pa ring matulog kahit na ang ingay-ingay sa paligid at pinagpapawisan na ako sa init.

"Ano ang iyong mga pinagsasabi mo Florenza? Nananaginip ka ba?" Hanggang sa may naramdaman akong dumampi sa aking noo.

"I said–-wait... Teka, nasaan ako? and...Who are you? What am I doing here?"

I was surprised when I saw that I'm not in my room and when I woke up I saw a middle-aged woman staring at me.

"Florenza? Anak, ayos ka lang ba? Tila ika'y balisang-balisa. May nangyari ba? Masama ba ang iyong pakiramdam?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin habang kinakapa-kapa ang aking mukha.

"Kung gayon sige magpahinga ka muna. Ako na lang ang pupunta sa bayan. Sabihin mo sa iyong kapatid na sila muna ang bahala sa mga gawaing bahay. O' s'ya ako'y aalis na. Sige na Florenza magpahinga ka na."

I'm just staring the woman until she left the house. Hindi ko maintindihan kung nasaan ako? Anong lugar ito? Sino siya? Bakit niya ako tinatawag na anak? Bakit niya ako tinatawag na Florenza?

Ouch.

My back hurts when I tried to stand! Ang sakit! Teka nga lang. Bakit ba kasi ako sa banig nakahiga? Where is my bedroom?

Luminga-linga ako sa paligid at napansin kong nasa ibang lugar ako.

This is not our house. This is not my room.

Yung libro...

Bakit nandito yung libro?

Out of my frustration kinuha ko yung libro at aking kinausap.

"Hey you! Answer me! Ikaw na libro ka! For sure ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito! Binasa lang naman kita kagabi then when I woke up ito na! Ito na ang naabutan ko!"

Teka lang baka nananaginip lang ako.

Sinampal ko ang aking sarili nagbabakasakaling panaginip lang ang lahat.

Ouch! It hurts.

Hindi ito panaginip. Totoong-totoo ang nangyayari sa akin ngayon. Sumasakit na ang aking ulo sa dami nang iniisip ko ngayon. Umupo muna ako sa upuan at hindi ko inaasahang makita na mag-isang bumubukas ang libro hanggang sa tumigil ito sa isang pahina.

Ikaw na si Brisa ngayon ay si Florenza.

Sa panahon ng magiting na Heneral ikaw ay naroroon.

Humayo ka at hanapin ang simbolo sa panahon na ito,

Bumalik nang ligtas at may aral na namuo sa iyong isipan.

Ako si Florenza? Like duhh! Is this what they called time travelling? Like ew... Bakit sa panahon pa na ito at dito pa sa bahay na... I don't even know if you called this a house. Ew, it's so cheap! I want to go home! GUSTO KO NANG UMUWI.

Habang nagdadabog ako dito may naririnig akong kumakatok sa pinto.

"Come in!"

Kumakatok pa rin at hindi pa pumapasok.

CRYPTIC FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon