Kabanata VII. Liham
Tapos na ang klase wala pa rin si Marianne. Nagtataka nga yung iba kong kaklase bakit wala daw si Marianne pero mabuti nalang at hindi nagcheck si Mrs. Zamoa ng attendance kaya hindi niya napansin na wala si Marianne.
Si Josh naman kanina pa palakad-lakad hindi siya mapakali hangga't hindi pa bumabalik si Marianne. Pilit niyang tinatawagan si Marianne pero hindi naman sinasagot. Naririnig ko na nga lang siyang napapamura dahil pati sa mga text niya hindi siya nagrereply.
Ilang minuto na ang lumipas naisipan rin ni Josh na umupo at magpahinga nagkaroon tuloy ako ng lakas-loob na kausapin siya. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nag-uusap.
"Ahmm... Josh... May nangyari ba? Mukhang kanina ka pa hindi mapakali. Kanina ka pa rin diyan palakad-lakad mabuti nga naisipan mo namang magpahinga." Ngumiti ako nagbabakasakaling mapagaan ko ang loob niya pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
Kaming dalawa nalang pala ni Josh ang nandito sa room yung iba umuwi na para maglunch. Si Josh hihintayin daw niya si Marianne. Ako naman? Ahmmm bakit nga pala ako nandito? Hehehe...
Nagsalita si Josh pero nakayuko lang ito. "Si Marianne kasi kanina pa hindi dumadating. Kanina pa ako tawag ng tawag pero hindi naman niya sinasagot. Hindi rin siya nagrereply sa mga text ko. Sabi niya saglit lang daw siya pero ilang oras na ang lumipas hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko na alam ang gagawin ko mabuti pa siguro kung sa labas ko na siya hahanapin wala rin naman akong mapapala kung dito ko lang siya hihintayin. Sige Brisa hahanapin ko lang siya." Tumayo na siya at nagmamadaling lumabas.
"Sige m...mag-iingat ka." Bulong ko sa hangin. Sana lang narinig niya yun pero alam ko namang hindi dahil nagmamadali siyang lumabas para hanapin si Marianne.
Napakaswerte naman talaga ng babaeng maharot na yun. Mayroon siyang Josh na sobrang nag-aalala sa kanya. Kahit nga sa quiz namin si Marianne pa rin ang iniisip. Akalain mo namang ginawan niya ng Quiz si Marianne para lang hindi magmukhang absent sa History Class namin. Sana ginawan niya rin ako ng quiz sa tuwing hindi ako pumapasok sa History Class dati nang sa ganun hindi naman ako palaging bagsak.
Hayyy naku tadhana nga naman...
Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa bag may napansin akong sobre na parang familiar sa akin. Kinuha ko ito at ito pala yung sobre na binigay sa akin ni Emilio na kung saan nakadrawing yung favorite na flower ni Florenza. Kanino kaya ito galing? Nakakaintriga naman baka galing ito kay Francisco hihihi mabasa na nga...
Mahal kong Florenza,
Kamusta ka na mahal ko? Mabuti ba ang iyong kalagayan? Nasaan ka aking sinta? Kailan ka muling dadalaw rito sa Cavite El Viejo?—Sa lugar na kung saan pinagtagpo ang ang isang tulad mo at tulad ko.
BINABASA MO ANG
CRYPTIC FEELINGS
Fiksi SejarahLife... Love... History... Hindi ko akalain na ang aking kinaayawan ang maghahatid sa akin ng kaligayahan... Kaligayahan na nagpagulo sa aking isipan...