Kabanata V. Simbolo
Anong oras na ba? OMG!! Di nga?! 6:00 p.m. na! Grabeeee! Kaya pala gutom na gutom na ako. Kroo* Kroo* Kroo*
"Brisa? Gising ka na ba? Anong oras na oh?! Gabi na!"
Grabe naman si kuya ang lakas kung makakatok kulang na lang sirain na yung pinto.
"Yes po kuya! Gising na po ako!"
Binuksan ko yung pinto. Like what?! Ang daming pagkain!
"Yaya Fe, pakipasok na po ang lahat ng pagkain sa kwarto niya."
"Sige po Sir."
Ipinasok na nga ito nila Yaya Fe at kulang pa nga ang 3 kasambahay sa rami ng niluto ni Kuya.
"Kuya! What is this??"
"Niluto ko yan lahat Brisa para sayo. Paano ba naman 6:00 na oh! Nagising ka pa lang. Di ka na kumain ng agahan at tanghalian. Kaya ito 4 in 1 na yan. May umagahan,tanghalian,merienda,at hapunan." Kuya said habang tumutulong sa pag-aayos ng mga pagkain.
Habang pinagmamasdan ko si Kuya hindi ko maiwasang mapangiti, bukod sa rami ng kanyang niluto napangiti rin ako dahil iginugol niya ang kanyang oras sa paghahanda ng ganito karaming pagkain imbes na pumunta siya sa Bar with his friends, yung lagi niyang ginagawa.
Im so lucky to have you Kuya Luke! Maalaga, masipag, maalalahanin, matalino, gwapo, matangkad, matangos, red lips, messy hair Gosh! Pinagpapantasyahan ko na ang kuya kooooo!!
"Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba sa mukha ko?"
"Wahhhh!! Ano kasi kuya... Di ako makapaniwala na nagluto ka ng ganito karaming pagkain. Thanks kuya dito sa mga niluto mo! I appreciate all of this!" Sabay yakap ko sa kanya.
"Syempre Baby Girl ka ni Kuya ehh. Sige kumain ka na ha! Lalabas muna ako."
Grabe! Lahat ng favorites ko niluto ni kuya. Tama nga siya may breakfast, lunch, merienda and dinner. Tinola, Cheesy Macaroni, Cupcakes, Fresh Chocolate, Burger, adobo, sisig, Gosh ang rami! Alin na ba dito ang uunahin ko?!!
"Binibini..."
'Teka sa bintana ba galing yung narinig ko?
Binuksan ko yung bintana. Laking gulat ko na si Marco ang nakita ko na nasa labas. Anong ginagawa ni Marco sa labas?
"Marco?! Bakit ka nandyan sa labas? Gabi na ha."
"Binibini Maaari ba akong pumasok?"
"Sige pero paano? Bawal kang pumasok doon sa main door kasi baka makita ka nila Dad mapagkamalan ka pang snatcher o kaya boyfriend ko. Wait... kukuha ako ng tali."
Grabe gabi na tapos ang lamig na sa labas. Kanina pa ba siya diyan?
"Oh! Ito yung tali. Umakyat ka gamit ito bilisan mo lang saka malamig na diyan sa labas baka ginawin ka." Pag-aalala ko.
"Ayos ka lang? Di ka ba nahirapan?Ano ba kas- Whuaw! Grabeee... Thank you ha! Matapos kitang tulungan umakyat dito mas nauna ka pa talaga sa aking kumain."
Kapal naman nito. Ano ba kasing ginagawa niya ngayon dito? May kailangan ba siya sa akin? Ayyy makakain na nga muna baka maubusan pa ako.
"Pasensiya na Binibini. Gutom na gutom na kasi ako. Magdadalawang araw na akong hindi kumakain. Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito sa iyong silid." tugon nito.
BINABASA MO ANG
CRYPTIC FEELINGS
Ficción históricaLife... Love... History... Hindi ko akalain na ang aking kinaayawan ang maghahatid sa akin ng kaligayahan... Kaligayahan na nagpagulo sa aking isipan...