Kabanata XI. Talento
Habang ako nandito nagtatago sumilip ako ng kaunti at nakita ko na si Alejandro at Don Rafael ang pumasok. Doble kaba ang nararamdaman ko ngayon. Naku po! Gash! Lord help me! Sana po hindi nila ako mahuli tiyak akong panibagong gulo na naman ito kapag nangyari yun.
"Ano? Alejandro nagawa mo na ba?" Tanong ni Don Rafael kay Alejandro. Mukhang seryosong usapan ito kaya todo pagpigil hininga ang ginagawa ko ngayon.
"Ama! Kahit ano pong gawin ko hindi pa rin po siya sa akin nahuhulog saka Ama hindi naman si Lara ang babaeng tinitibok ng aking puso. Paano ko iibigin ang babaeng hindi ko naman iniibig?" Sagot niya. Sh*t! Totoo ba itong narinig ko?! Niloloko niya lang ako?!
"Alam ko Alejandro at batid ko ito. Ngunit kailangan mong magpakasal sa kanya para unti-unting mapunta sa ating mga Hinugo ang ari-arian ng Buenavina. Paiibigin mo lang naman si Lara at iiwan mo rin naman siya kapag nakuha mo na ang lahat."
"Sige po Ama susubukan ko. Maiba ang usapan kumusta na po ang grupo na mag-aalsa sa Hacienda ng Buenavina?" ANO?! Sila rin ang may kagagawan ng bagay na yan?! Double kill ako ngayon ha. Hindi ko inaasahan ang mga bagay na yun ang maririnig ko.
Tama nga si Ginoong Mabini huwag akong magpapadala sa mga ngiti ng ibang tao sapagkat ang iba rito ay kaaway ako ng lihim at si Alejandro ang nagpapatunay nito.
"Nakaayon na ang lahat sa plano Alejandro maghihintay na lamang tayo ng sapat na panahon kung kailan ito isasagawa at may alam na ako kung kailan."
Bwisit na Don Rafael yan! Bakit niya pa dinadamay si Alejandro?! Bakit pa nila kailangan akong saktan?! Ang sakit! Ang sakit sa pakiramdam. Tama nga si Marco hindi dapat pinapairal ang pag-ibig sa misyon na ito dahil ito lamang ang magpapahirap sa akin.
Lumabas na ako sa silid ni Alejandro dahil wala na rin sila. Dahan-dahan kong sinara ang pinto. Pababa na sana ako nang bigla kong maalala yung pulang sobre sa lalagyan ni Alejandro. Alam kong nandoon yung hinahanap ko kaya kailangan kong makuha yun.
Naglakad ako pabalik at bubuksan na ang pinto pero bigla akong tinawag ni Alejandro.
"Lara! Nandito ka lang pala kanina ka pa hinahanap ni Martin. Lara? Nais mo bang pumasok sa aking silid?" Bigla naman akong kinabahan sa tanong niya. Hindi niya pwedeng makita akong umiiyak. Lalo na kung siya naman ang may kagagawan. Kaya mas pinili ko na hindi siya pansinin at huwag na munang kunin yung sobre. Dire-diretso lang akong lumakad habang nakayuko.
"Lara! Sandali!" Sigaw niya. Halos hindi ko na maaninag ang daan dahil sa mga luha kong parang waterfalls kung lumabas.
"Lara!!!"
Hindi ko namalayang nasa may hagdan na pala ako. Napamali ang aking apak at ako ay gumulong-gulong.
"Sh*t! Ang sakit! Aray ko!"
"BRISA!!!"
"K...kuya?!" Nakauwi na ako. Teka paano nangyari yun?
"Ano ba naman yan Brisa hindi ka nag-iingat! Bakit ka ba kasi nagmamadali?! Mayroon ka pa namang 1 hour para sa audition mo kaya hindi mo na kailangang magmadali." Sermon niya sa akin.
BINABASA MO ANG
CRYPTIC FEELINGS
Historical FictionLife... Love... History... Hindi ko akalain na ang aking kinaayawan ang maghahatid sa akin ng kaligayahan... Kaligayahan na nagpagulo sa aking isipan...