Kabanata X. Pulang Sobre
"Brisa! Kailangan mong makuha ang pulang sobre! Hindi lang plano ng mga grupong magsisialsa laban sayo ang nakasaad dito kundi pati na rin sagot sa misteryo ng pagkamatay ni Don Lavico at Donya Rafina Buenavina! Kaya kung maaari kunin mo ang sobre sa lalong madaling panahon."
Unti-unti siyang naglalaho matapos niyang sabihin ang mga bagay na yun. Teka hindi ito maaari kailangan ko pa siyang makausap marami pa akong bagay na kailangan kong malaman sa kanya.
"Marco! Teka lang! Anong pulang sobre ang sinasabi mo?! Saan ko yun makukuha?! Hoy!! Hintay naman oh!! Wag ka munang umalis! Marco!!!!"
"Lara! Lara! Nananaginip ka na naman."
Hingal na hingal akong bumangon at pinagpapawisan. Hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa mawala siya ng tuluyan. Siguro tama nga si Martin nanaginip na naman ako. Pero paano kung totoo yung sinabi ni Marco na kailangan kong kunin ang pulang sobre dahil hindi lang plano ng grupong mag-aalsa laban sa akin ang nakasaad dito pati na rin ang mga kasagutan sa mga katanungang matagal ko nang inaalam. Kailangan kong makuha yung sobre. Kailangan kong makuha na yun.
"Martin, napaniginipan ko si Marco. Sabi niya kunin ko daw ang pulang sobre." Kumunot ang kanyang noo.
"Sino bang Marco ang iyong tinutukoy? At anong pulang sobre ang sinasabi mo? Lara, panaginip lang yun. Ang mga panaginip ay kasalungat ng mga nangyayari sa reyalidad." Hindi maaari. Paano kung totoo ang sinabi ni Marco? Paano kung hindi yun basta panaginip lamang?
"Hindi yun basta panaginip Martin. Doon sa pulang sobre nakasaad a—" Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil may isang Guwardiya Sibil na nagmamadaling pumasok sa aking silid ng walang pasabi.
"Paumanhin po Señorita Lara hindi na po ako kumatok dahil may importante po akong nais sa iyong sabihin." Hingal na hingal ang Guwardiya Sibil. Siguro importante nga ang sasabihin niya. Mukhang tinakbo niya paakyat ang hagdan kaya hingal na hingal siya. Kinuha ko naman ang tubig na dala-dala ni Martin dahil kinakabahan ako sa maaaring sabihin ng Guwardiya Sibil.
"May narinig po akong balita na may grupong nais raw na mag-alsa laban sa inyo." Muntik ko nang maibuga ang tubig na nasa bibig ko dahil sa sinabi ng Guwardiya Sibil. Si Martin naman napansin kong biglang sumeryoso.
"Totoo ba yang sinabi mo?!" Malamig at seryosong tanong ni Martin.
"Opo. Kaninang umaga habang nagbabantay po kami ng kasamahan ko sa labas ng Hacienda may narinig po kaming dalawang lalaki na nag-uusap. Tinanong po namin sila kung ito ba ay totoo. Totoo raw po ang balita at matagal na pong kumakalat ang balita ukol rito."
"Kung ganun sabihin mo sa Heneral na magdagdag siya ng Guwardiya Sibil na magbabantay sa buong Hacienda. Gawing mahigpit ang pagbabantay at suriing mabuti ang mga taong magsisilabas-pasok sa Hacienda." Seryoso niyang sabi na ni kumurap ng mata ay hindi niya magawa.
"Masusunod." Magalang na sagot ng Guwardiya Sibil saka siya lumabas.
Tama nga si Marco may grupo na nagnanais na mag-alsa laban sa akin. Kaya kailangan ko na talaga makuha ang pulang sobre habang maaga pa.
BINABASA MO ANG
CRYPTIC FEELINGS
Historical FictionLife... Love... History... Hindi ko akalain na ang aking kinaayawan ang maghahatid sa akin ng kaligayahan... Kaligayahan na nagpagulo sa aking isipan...