Kabanata VIII. Bagong Panahon
"Marco?!"
"Binibini! Kunin mo ang pulang sobre na kung saan nakasaad ang mga plano ng grupo na siyang mag-aalsa laban sa iyo."
"Huh? What do you mean? Nasaan ba ako? Anong ginagawa ko dito?"
"Kailangan mong makuha ang sobre sapagkat sa iyo nakasalalay ang buhay ng maraming tao. Mag-iingat ka dahil may mga taong gustong kitilin ang iyong buhay. Tandaan mo kailangan mong mabuhay. Huwag kang mamamatay."
"Pero Mar—"
Biglang dumilim ang paligid at isang babae na may suot na itim na maskara na kalahati lang ng kanyang mukha ang natatakpan. Napansin kong nakangisi siya at papalapit sa akin.
"BRISA! TUMAKBO KA NA! HUWAG MONG HAHAYAAN NA PATAYIN KA NIYA!"
Ngunit huli na ang lahat nasa harapan ko na siya at ako'y kanyang papatayin.
"HINDI!!!! HIND—"
"Lara! Lara! Anong nangyari?! May masakit ba?"
Nasaan na siya? Bakit bigla siyang nawala? Napatay niya ba ako?
"Lara? Kamusta ang iyong pakiramdam? Masama ba ang iyong panaginip? Bakit ka nagkakaganyan?"
Lara? Nasaan ba ako? Ano na naman bang lugar ito? Anong nangyari sa akin bakit ako nandito?
Pinilit kong tumayo pero biglang sumakit ang ulo ko.
"Lara huwag ka munang tumayo. Magpahinga ka muna." Hinakawan niya ang braso ko para pigilan akong tumayo.
"Sino ka ba ha?! Don't touch me!" Marahas kong hinawi yung kamay niya. "Why are you calling me Lara? I'm not Lara. I'm Brisa. Nasaan ba ako?! Hindi ito yung kwarto ko!" Sigaw ko sa kanya habang nagpupumilit na tumayo.
"Ingles na naman ba yang sinasabi mo? Pasensiya na Lara ngunit hindi ko ito maintindihan. Narito tayo sa iyong silid hindi mo ba maalala? Saka ako ito si Martin ang iyong matalik na kaibigan di mo rin ba ako maalala?"
"Hindi kita kilala! Baka kidnapper ka! Uuwi na ako! Aray! Aray ang sakit ng ulo ko!" Sigaw ko.
Pinipilit kong tumayo kaso sadyang makulit ang lalaking 'to. Kung gaano ko gustong tumayo ganun rin ang pagpipigil niya sa akin. Sino ba siya 'ha? Gusto ko nang umuwi pero bakit niya ako pinipigilan?! Napahinto nalang ako nang biglang sumakit ang ulo ko.
Wala akong marinig. Ang sakit! Alam kong nagsasalita si??... si Martin pero di ko naman marinig yung mga sinasabi niya tanging pagbuka lang ng kanyang bibig ang aking nakikita...
BINABASA MO ANG
CRYPTIC FEELINGS
Historical FictionLife... Love... History... Hindi ko akalain na ang aking kinaayawan ang maghahatid sa akin ng kaligayahan... Kaligayahan na nagpagulo sa aking isipan...