Kabanata IV

16 2 0
                                    

Kabanata IV. Parusa

Kailangan kong puntahan ngayon si Marianne. Gusto kong malaman kung bakit siya pumunta sa bahay at kung ano ang ginawa ko na hindi naman ako ang may kagagawan.

Gusto ko ring malaman kung ano ang nangyari kahapon sa birthday ni Josh, sa pangakong hindi ko natupad.

Josh is Kind, handsome, talented, almost perfect. Kaya nga marami ang nagkakandarapa sa kanya mapababae man o binabae, mapabata o matanda at isa na doon si Marianne.

Gagawin ni Marianne ang lahat makuha lang sa akin si Josh. Oo maaga akong pumasok sa isang relasyon at matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.

'Kaya di ko hahayaang mawala sa akin si Josh ng tuluyan.

Nagpara na ako ng taxi dahil malayo-layo pa ang bahay ni Marianne. Habang nasa taxi, hindi ko maiwasang ikumpara ang panahon natin sa panahon nila Emilio Aguinaldo.

Na kung saan puro kalesa ang makikita mo sa daan. Wala kang makikitang nagdrodroga, humihithit ng solvent at gumagawa ng gulo o away sa daan dahil lahat ng tao ay  naghahanap buhay para sa future ng kanilang mga anak as well sa kanilang pamilya.

Nakakadisappoint nga lang kasi lahat ng tao noon gustong-gusto makapag-aral pero wala silang pera o kakayahan na makapag-aral unlike ngayon ang dali lang makapag-aral may mga scholarships, free tuitions pero ano? Sinayang lang natin ang chance na yun.

'Tulad ko...

"Maam nandito na po tayo."

"Thanks po Manong." Bumaba na rin ako sa sasakyan.

Madilim, kumukulog, kumikidlat. Pero wala akong pakialam basta gusto ko lang makausap ngayon si Marianne.

"Marianne! Marianne! Tao po!"

"Sino po sila?" sabi ng babae na nagbukas ng gate I guess yaya ito nila Marianne.

"I'm Brisa, Marianne's Bestfriend. Nasaan po si Marianne?"

"Si Maam Marianne ho' ba ang hanap niyo? Ayy sorry maam wala pa po si Maam Marianne umalis po ehh kanina pa po di umuuwi." saad ng yaya ni Marianne in Bisaya way.

"Wala po ba siyang nasabi sa inyo kung anong oras siya uuwi?"

"Wala ho' siyang nabanggit sa akin maam."

"Ahh ganun ba... Pakisabi sa kanya na pumunta ako dito. Sige salamat."

'Nasaan na kaya ang babaknita na yun?

Saan ba yun pumunta? Kung kailan kailangan saka naman wala! Hayst...

Pauwi na ako nang may narinig akong nagtatawanan.

"Hahahahaha Grabe ang saya mo palang kasama. Thank you ha. Dahil sinamahan mo pa rin ako ngayon. Sorry kahapon kung napagsalitaan kita ng mga masasakit na salita. Kulang pa nga yung ginawa ko ngayon para makabawi sa mga nagawa ko. Sige bye hintayin kita bukas susunduin kita."

"Oo. Okay lang yun. At least tumutupad ako sa pangako unlike nung iba. Sige hihintayin ki- Brisa?!"

Ganun na ba ako kasama?

Ang kapal naman ng mukha ng babaeng ito! Nawala lang ako may umagaw na sa eksena. It's my fault ba na mapunta sa panahon na yun? It's my fault ba na mawala sa panahon na toh? Gosh! Tell me!

CRYPTIC FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon