Kabanata XIV. Kaarawan
Tapos na akong ilista ang mga bagay na gagamitin ko para mamaya. Pagsilip ko sa bintana marami na ang mga tao sa baba ng Hacienda na nag-aayos para sa gaganaping okasyon.
Pababa palang ako ng hagdan rinig na rinig ko ang ingay ng mga kubyertos sa kusina. Ang mga tao ay aligaga sa mga gawain. Nakita kong papunta sa aking gawi si Martin kaya akin siyang sinalubong.
"Narito na ang limang hukbo ng mga Guwardiya Sibil." Sabi niya na hinihingal pa.
"Salamat Martin maaasahan ka talaga. Nalimutan ko nga palang sabihin sa iyo na ikaw ang pinakapangunahin kong panauhin mamaya. Kaya ihanda mo na ang iyong sarili." Nabigla siya sa aking sinabi.
"Ngunit wala akong magarang damit na maaaring isuot para sa pagdiriwang mamaya."
Palakad-lakad siya sa aking harapan at iniisip kung anong klase ang damit na kanyang susuotin.
"Sandali nga lang muna Martin. Kumalma ka lang."
Kinapitan ko siya sa braso.
"Huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa damit na susuotin mo. Pumunta ka na kila Aling Bebang at magpatahi ka na rin ng susuotin mo." Sabi ko sa kanya.
"Salamat Lara. Bago ko nga pala makalimutan darating mamaya ang mga Hinugo."
Pagkabanggit niya ng Hinugo. Napangiti nalang ako ng mapakla. Inaasahan ko na ang kanilang pagdating. Dahil sila ang mga taong may balak sa aking masama at sa aking pamilya.
Ngayon na rin ang araw para sa kanilang hinihintay na pag-aalsa.
"Inaasahan ko na ang kanilang pagdating Martin. Alam mo na.. malapit ang pamilyang Hinugo sa mga Buenavina."
Ngumiti ako ng peke.
Asa sila! Ang mga Hinugo malapit sa Buenavina?!
Tsk! Mga plastik!
Uso rin pala dito ang makipagplastikan. Wala silang pinagkaiba kay Marianne.
PEKE! PLASTIK! TRAYDOR!
Lumabas ako sa mansyon upang salubungin ang mga Guwardiya Sibil na naghihintay sa labas. Paglabas ko ng mansyon lahat ng aking makakasalubong ay yumuyuko upang magbigay galang.
Sabi ko sa kanila hindi na nila kailangang gawin yun sa akin sapagkat lahat ng tao sa aking Hacienda ay tinuturing kong pamilya.
Nakita ko na ang mga Guwardiya Sibil. Pagkakita na pagkakita nila sa akin ay agad nilang inayos ang kanilang tindig at pumila ng matuwid sabay saludo sa akin.
Sumaludo rin ako.
"Nasaan ang unang hukbo?" Tanong ko.
Agad namang umabante ang unang hukbo.
"Kayo ang itatalaga ko mamaya na magbantay sa buong Hacienda." Agad naman silang sumang-ayon.
"Ang pangalawang hukbo, nasaan?" Tugon ko.
"Kayo ang gagawa ng lugar kung saan hindi madaling makikita sapagkat diyan niyo papapuntahin ang mga taong mayroong kasulatan na naglalaman ng aking imbitasyon."
BINABASA MO ANG
CRYPTIC FEELINGS
Historical FictionLife... Love... History... Hindi ko akalain na ang aking kinaayawan ang maghahatid sa akin ng kaligayahan... Kaligayahan na nagpagulo sa aking isipan...