Kabanata VI. Ikalawang Misteryo
Maaga akong nagising ngayon. Nakabihis at handang-handa na sa aking pagpasok. Binuksan ko ang bintana at nilanghap ang sariwang hangin mula sa labas. The ambience is good and refreshing. Tamang-tama sa pagbabago na gagawin ko. Kung noon ayoko sa History ngayon sisikapin ko na itong matutunan at magustuhan.
Marahan kong sinara ang bintana at lumabas na ako sa aking kwarto. Nagmamasid sa paligid habang pababa ng hagdan patungong sala.
Naabutan ko naman si Kuya sa sala na naghahanda ng sandwich. Tumingin siya sa akin na parang nagtataka. Siguro ngayon lang niya ako nakita na maagang papasok.
"Ang aga mo naman Brisa mamaya ka pa susunduin ni Josh. Sige kainin mo muna itong sandwich na hinanda ko habang hinihintay mo siya."
Josh...
Isang pangalan na hanggang ngayon nagdudulot pa rin ng sakit sa aking damdamin. Nakakainis nga lang bakit kahit marinig ko lang ang pangalan niya may bahagi sa aking puso na kumikirot at ang bigat sa pakiramdam.
Alam kong nakatingin ng diretso sa akin si kuya na parang may nais sa aking malaman at ako naman ay nakayuko at hindi man lang sa kanya makatingin ng diretso.
"Ahmm... Kuya... The truth is wala na kami ni Josh. Remember Marianne? My Bestfriend... She's with J... josh now... Sila na Kuya." Pag-amin ko.
Nabigla naman si Kuya sa aking sinabi na siyang dahilan ng pagtigil niya sa kanyang ginagawa. Marahas niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at niyuyogyog na parang hindi makapaniwala.
"Why?! Paano yun nangyari?! I know Josh mahal na mahal ka niya. Sa tuwing nagbabasketball kami wala siyang bukambibig kundi ang pangalan mo! Kaya ang hirap paniwalaan ng sinasabi mo Brisa! Stop saying stupid things baka nag-ooverthingking ka lang. Mabuti pa kainin mo na ito at hintayin mo si Josh na sunduin ka!"
"But Kuya!! I said wala na nga kami ni Josh. Bakit ba ang hirap intindihin 'nun para sayo? Kuya para malaman mo si Marianne ang susunduin niya at hindi ako! Kaya hindi na ako maghihintay pa sa wala! Bakit hindi mo lang tanggapin na wala na kami ni Josh?!"
"Pero a-"
"Okay fine kung ayaw mong maniwala give me the key! Ako na lang ang mag-isang magdradrive."
Hanggang sa di ko napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Kahit naman ako nasasaktan kasi kahit ako hindi rin makapaniwala na magagawa ni Josh na makipaghiwalay sa akin ng ganun kabilis. Ang hirap!
"I'm sorry Brisa... I'm just... I'm just disappointed na wala na kayo. Sorry sa mga ginawa ko kanina nabigla lang kasi talaga ako sa mga sinabi mo. Sige kainin mo na yang sandwich at ako na ang maghahatid sayo."
"Thanks kuya..."
Buti na lang at naniwala din si Kuya. Alam ko namang maiintindihan niya ako basta kakayanin ko ito hindi ako sa kanila magpapaapekto. Ipapakita ko sa kanila na nakarecover na ako sa nangyari kahit alam kong masakit pero pipilitin ko pa rin.
"Brisa let's go the car is ready."
"Coming...."
Pagsakay ko sa kotse bigla akong nanibago dati kasi sa harapan ako nakaupo habang si Josh ang nagdradrive. Sabay pa kaming kumakanta ng mga songs ng favorite rockstar namin na si Avril Ramona Lavigne. Pumupunta muna kami sa Kitty's Café bago pumasok sa school dahil maaga pa naman...
BINABASA MO ANG
CRYPTIC FEELINGS
Historical FictionLife... Love... History... Hindi ko akalain na ang aking kinaayawan ang maghahatid sa akin ng kaligayahan... Kaligayahan na nagpagulo sa aking isipan...