Kabanata IX

8 0 0
                                    

Kabanata IX. Sa Likod Ng Mga Misteryo

Grabe ang bilis naman ni Martin magpatakbo ng kabayo. Todo yakap tuloy ako sa tiyan niya saka ramdam na ramdam ko rin ang maiinit na pandesal dahil sa nipis ng damit na suot niya.

'Brisa umayos ka nga. Bumalik ka sa katinuan mo. Baka isipin niyan ni Martin mahadera kang babae tulad nung fake bestfriend mo.'

"Binibini narito na tayo. Maaari mo nang tanggalin ang iyong mga kamay baka may makakita pa sa atin at kung ano pa ang isipin nilang masama." Mahina niyang sabi sa akin. Agad naman ako nakaramdam ng hiya. Hala baka naisip ni Martin na ang harot-harot ko.

Hayst...

Kahit masama ugali ko hindi ako malandi. Unlike nung iba diyan masama na nga ang ugali malandi pa.

"Pasensiya na hindi ko napansin na narito na pala tayo saka bakit naman s..sila mag-iisip ng masama e...eh magkaibigan lang naman tayo." Unti-unti ko na rin tinanggal ang kamay ko sa pagkakayakap.

"Sa pagkakaalam ko kasi pinagbabawal na magkalapit ang babae at lalaki lalo na kung wala namang malalim na namamagitan sa mga ito." Ani niya.

"Hayaan mo na kung ano ang isipin nila wala naman tayong ginagawang masama saka matagal na rin naman tayong magkaibigan kaya walang problema doon. Mabuti pa puntahan na natin yung taong makakatulong sa akin. Para hindi na din tayo abutan ng gabi." Agad namang bumaba si Martin at tinulungan niya rin akong makababa.

Nang makababa ako itinali ni Martin yung kabayo sa may puno ng niyog. Isang gate na medyo may kalakihan ngunit mas malaki pa rin yung sa Hacienda ang bumungad sa amin. Hindi naman masyadong malayo yung bahay mula sa gate kaya nilakad nalang namin ito.

"Martin sino ba yung taong ipapakilala mo sa akin?" Tanong ko sa kanya. Siguro panglimang beses ko na sa kanya ito na itanong. Kanina pa kasi niya sa akin ayaw sabihin tsk. Siguro babae yun.

"Maghintay ka lang Binibini malapit na tayo sa kanyang silid." Ayan na naman yung Maghintay ka lang Binibini. Kahit sa naunang apat kong tanong yan din ang sinagot niya. Napasimangot nalang tuloy ako kahit na ramdam kong nakatingin siya sa akin. "Alam mo ba na kilalang-kilala siya rito sa aming Baryo sapagkat bata palang siya nagpakita na ito ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Kinikilala nga siyang 'Dakilang Lumpo' sapagkat kahit lumpo na ito may angking katalinuhan pa rin at napakadakila."

Dakilang Lumpo?

Parang familiar... Sino nga ulit yun? Yan kasi yung nakaassign sa amin ni Jen para sa project namin sa History. Grabe dito ko na nakikita na ang bobo ko talaga sa History.

Habang paakyat kami sa hagdan patungo sa silid kung saan naroroon ang taong ipapakilala sa akin ni Martin na hindi ko alam kung sino. Napansin ko na maraming libro ang bubungad sa amin sa itaas at tama nga ang nakita ko.

CRYPTIC FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon