Kabanata XII. Plano
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa may naaninag akong panyo sa aking harapan.
Pagkatapos kong punasan ang aking mga luha unti-unti akong tumingala at isang lalaki ang aking nakitang nakatayo sa aking harapan.
"S...sino ka?" Garalgal kong sabi. Umupo siya sa tabi ko at hindi man lang sinagot ang tanong ko.
Pinunasan ko ang aking luha at suminga.
"Buti nalang at tama lang ang aking pagdating." Saad niya habang nakatingin sa malayo.
"Sino ka ba 'ha?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi mo na maalala?"
Tinitigan ko ang kanyang mukha pero hindi talaga eh, hindi ko siya namumukhaan.
"Ako ito si Marco."
Nabigla ako sa aking narinig. Inayos ko ang aking pagkakaupo at tiningnan siya ng mabuti.
Mapupungay na mata, mahahaba na pilikmata, matangos na ilong at hindi gaanong mapula na labi. Teka p...paano?
"Paano ito nangyari? Hindi ako makapaniwala ikaw nga si Marco pero paano? Ang laki ng pinagbago mo. Bigtime na bigtime ang datingan mo. Nanalo ka ba sa lotto? O baka naman...
Kumakapit ka sa patalim?"
Tugon ko. "Saka teka kung ikaw si Marco bakit ka pa nandito? Diba dapat nakabalik ka na sa panahon mo?" Hindi niya sinagot ang mga tanong ko sa halip siya ay tumayo.
"Mukhang mahaba-haba ang ating pag-uusapan. Binibini nais mo bang sumama sa Kitty's Cafe kung saan una tayong nagkita? Naisip ko kasi na doon nalang tayo magkwentuhan para rin naman gumaan na ang iyong pakiramdam mula sa nangyari kanina."
Tumango ako saka tumayo. Napansin kong may bagay siyang kinuha sa kanyang bulsa. Pinindot niya ito saka bumusina ang isang kotseng itim na mukhang bago lang.
One time Big time si friend. Siya ba talaga si Marco? O isa lamang itong ilusyon?
°°°°°Tahimik lang ang aming biyahe. Wala sa aming umiimik dahil siguro ayaw na rin akong istorbuhin ni Marco dahil sa nakakahiyang nangyari kanina.
Pinabuksan ko sa kanya ang bintana. Hilig ko talagang lumanghap ng hangin mula sa labas kahit na alam kong polluted ito wala akong pakialam. Wala eh ito ang nakasanayan ko. Feeling ko kasi ito ang nagpapagaan ng pakiramdam ko sa tuwing may iniisip akong problema...
Tumingin ako sa langit, medyo dumidilim na. Sayang hindi na namin maaabutan ang sunset. Maganda pa naman yun panoorin lalo na doon sa favorite spot ko.
"Binibini... Ayos ka lang?"
"Marco, Brisa nalang tutal medyo nakakasanayan mo na rin naman ang buhay dito sa aking panahon. And don't worry ayos lang naman ako ang pinagtataka ko nga lang bakit ganun? Bakit kung kailan audition ko saka pa nangyari yun? Nung nagpractice naman ako maayos pa naman ang boses ko.." Narinig kong napabuntong hininga siya. Siguro may alam siya kung bakit yun nangyari.
BINABASA MO ANG
CRYPTIC FEELINGS
أدب تاريخيLife... Love... History... Hindi ko akalain na ang aking kinaayawan ang maghahatid sa akin ng kaligayahan... Kaligayahan na nagpagulo sa aking isipan...