Kabanata III

19 3 0
                                    

Kabanata III. Pagbabalik

"Paalam na Florenza, ang aking panganay. Malungkot na naman ang ating munting palasyo sapagkat wala ka anak." sabi ng aking ina na may bahid ng kalungkutan.

Today is the day when they are going to Batangas and all of them are emotional. Bakit? Ganito ba talaga kalungkot kapag hindi sa kanila sasama si Florenza?

"Ina, susunduin naman po ako ni Ama sa makalawa. Magkikita-kita pa rin po tayo. Kaya 'wag na po kayong malungkot." saad ko para kahit papano mabawasan ang lungkot na nadarama niya.

"Pero iba pa rin anak kapag kasama ka namin..." she sighed.

"Mukhang hindi na talaga magbabago ang iyong desisyon. Mag-iingat ka lagi Florenza." She added.

Matapos sabihin iyon ni Ina pumasok na siya sa kanyang kwarto upang ilabas ang kanilang mga bagahe.

"Florenza anak, pakisabi na lang sa aking kaibigan na kami'y aalis na. Ika'y mag-iingat, anak. Hihintayin kita sa parke sa makalawa. Tandaan mo ang aking habilin. Huwag mong kakalimutan." Yinakap ko siya at yinakap niya rin ako pabalik. He keeps on worrying about me. Hindi nagtagal napansin kong nakiyakap na rin sila Ina, Jose at Maria.

Napansin kong nasa labas na ang kanilang mga bagahe. Handang-handa na talaga sila sa kanilang pag-alis. Hindi pa nga sila umaalis pero namimiss ko na agad sila. Sa kanila ko kasi naramdaman ang saya na mayroon kang pamilya. Mom and Dad are always busy so that they have no time for their kids.

"Ina, Ama mag-iingat po kayo palagi. Jose, Maria alagaan niyo sina Ina at Ama. Huwag kayong magpapasaway. I love you."

"I LOVE YOU?!" sabay-sabay nilang tanong.

"Mahal kita. Iyan ang ibigsabihin ng salitang I love you."

"Mahal ka rin namin anak. Lubha kaming mangungulila sayo." Huling sinabi ni ina bago nila tuluyang kinuha ang kanilang mga bagahe at lumabas ng bahay.

Kumaway pa ako sa kanila bago sila tuluyang makaalis sakay ng kalesa. Nandito ako ngayon sa may balcony kung saan pinagmamasdan kalesang malayo na ang nararating.

I feel lonely...

I envy Florenza. Buti pa siya may ganitong parents. 'Yung hindi mapakali hangga't hindi nila kasama ang anak nila. 'Yung gagawa ng paraan para lang makasama ang kanilang anak. Hayst. She's very lucky to have them. I don't know if Mom and Dad are worried because I'm here in Emilio's time. Hindi ko nga rin alam kung alam ba nila na nandito ako at kung ano na ba ang nangyayari sa panahon ko.

Now, I realized that I can't live without Mom and Dad. Although they are always giving me headache because of their sermons still, I love them.

"Florenza? Iha? Ikaw na ba yan?"

'Yan na ba yung sinasabi ni Ama na kaibigan niya? Buti naman at babae ayoko kasing lalaki. Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao kapag nakita nilang magkasama kami ng kaibigan ni Ama sa iisang bubong.

Yuck. Ew.

"Ako nga po." matipid kong sagot.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para kasing may hinihintay ang kaibigan ni Ama na dapat kong gawin. Ayun! Naalala ko na uso nga pala sa panahon na ito ang pagmamano.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang kamay saka nagmano. Ngumiti naman siya sa aking ginawa.

"Nagluto ka na ba Florenza?"

CRYPTIC FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon