Kabanata XV. Desisyon
Nakahanda na ang lahat. Lahat ng bagay ay nakaayon na sa plano. Kulay ginto ang aking suot. Tila bituing magniningning mamaya sa buong Hacienda. Inayos ko ang aking sarili at nilugay ang buhok saka ko kinulot ang dulo nito. Malalaking kulot ang ginawa ko. Kulot na rin kasi ang buhok ko.
Sumilip ako sa bintana at nakita ko naman yung mga Guwardiya Sibil na nagpapanggap bilang babae. In fairness mukha talaga silang babae buti nalang may nilagay ako sa kanilang mata parang tattoo palatandaan na sila ang mga Guwardiya Sibil ko.
Narinig kong tumunog na ang mga trumpeta hudyat na narito na ang mga Hinugo. Biglang may kumatok sa aking pinto at batid ko na ang nais niyang sabihin.
"Tuloy." Sigaw ko. Si Martin pala.
"Lara narito na ang Pamilyang Hinugo." Saad niya.
"Batid ko na yan ang nais mong sabihin. Kung gayo'y maaari na nating simulan ang pagdiriwang. Hintayin mo nalang ako sa labas mag-aayos lang ako."
"Masusunod."
Marahan niyang sinara ang pinto. Sa wakas nakahinga na rin ako ng maluwag.
Sa totoo lang kanina pa ako nakapag-ayos. Bigla akong nakaramdam ng kaba kung kaya't naisip kong manatili muna rito sa aking silid kahit ilang minuto.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas na rin ako.
Nakita ko si Martin na naghihintay sa labas lumapit siya sa akin at ako ay Inalalayan hanggang sa kami'y makababa.
Nang makarating kami sa labas ng mansyon. May nakaparadang karwahe inalalayan akong makasakay ni Martin. Pinatakbo na ang mga kabayo.
Ang daming tao.
Sa dami ng tao hindi ko alam kung sino ba sa kanila ang mga rebelde at kung sa kanila ang hindi. Pero sabi nga diba kung ang galaw at salita ay maaaring magsinungaling ngunit ang mga mata ay hindi.
Nandito na ako sa Hardin. Inalalayan akong makababa ni Martin. Sabi ko sa kanya na asikasuhin na niya ang ibang bisita dahil kaya ko na ang sarili ko.
Nakipag-usap ako sa ibang mga panauhin. Mababait naman ang aking mga nakausap medyo mahihirapan ata ako nitong tukuyin kung sino sa kanila ang mga rebelde.
Matapos ang ilang minuto na pakikipag-usap ko sa mga bisita hinanap ko si Martin.
Nasaan na kaya yun?
Umupo muna ako at kumuha ng makakain. Ang ganda ng musika. Nakakapakalma. Maraming magkasintahan ang nagsitayuan at sumayaw sa gitna.
Bigla ng nahagip ng aking mata si Martin na kasayaw si Katrina.
Hindi ko napigilang mapahagikhik dahil mukhang hindi marunong sumayaw si Katrina palagi niyang naaapakan ang mga paa ni Martin.
Lumingon sa gawi ko si Martin. Ako naman ay kumaway.
Nagpaalam siya kay Katrina at papunta sa akin. Si Katrina naman ay magkasalubong ang kilay habang patungo sa kaniyang upuan.
"Lara..." Kinakabahang wika ni Martin. Tila nahihiya siya sa kaniyang sasabihin.
"Ano yun?"
"Lara, maaari ba kitang maisayaw?"
Tanong niya sa akin habang nakayuko at hindi makatingin.
"Maaari."
Kinuha niya ang aking kamay saka niyaya sa gitna ng bulwagan.
BINABASA MO ANG
CRYPTIC FEELINGS
Ficción históricaLife... Love... History... Hindi ko akalain na ang aking kinaayawan ang maghahatid sa akin ng kaligayahan... Kaligayahan na nagpagulo sa aking isipan...