Kabanata XIII. Pagpapalaya
Gabi na pala. Pagtingin ko sa relo eksaktong alas-sais na ng gabi.
"Nakapili ka na ba Brisa?" Tanong niya sa akin.
"Ahh oo isang Grilled Ribs and Strawberry milk tea nalang." Tumango siya saka tinawag ang waiter na nasa kabilang table.
Habang nag-oorder si Marco. Pinagmamasdan ko ang view dito sa taas. Glass kasi yung side ng pwesto namin kaya kitang-kita mo yung buong view sa labas.
Napadaan ang aking tingin sa kotseng nakapark sa tapat ng isang Convenience Store. Kaparehas siya ng kotse ni Josh.
Pero hindi pala siya kaparehas kundi sa kanya talaga ang kotseng yun. Nakita ko si Josh kasama si Marianne na palabas ng Convenience Store at masayang-masaya.
Sige sila na ang masaya. Sila na rin ang magkasama. Bakit ikayayaman ko ba yan?! Ikayayaman ko ba ang magpakatanga sa lalaking may gusto ng iba?
Akala ko nakamove on na ako hindi pa rin pala. Kasi ramdam na ramdam ko pa rin kung paano kumirot itong puso ko. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na umiyak.
"Wag mo na kasing tingnan ang mga bagay na magdudulot ng kirot sa iyong puso."
Mabilis kong pinunasan ang aking luha saka hinanap kay Marco. "Huh?! Wala naman akong tinitingnan!" Pagsisinungaling ko.
"Kung ako kaya mong lokohin puwes hindi mo maloloko ang sarili mo. Tingnan mo ang iyong mga mata may nagbabadyang luha na gustong lumabas."
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at tama nga si Marco naluluha na naman ako. Kahit ano namang irason ko hindi ko pa rin maitatago ang nararamdaman ko.
Yun na wala na akong nagawa pumatak na ang luha na pinipigilang lumabas...
"Narito na ang ating pagkain kumain ka muna. Hayaan mo na sila. Maging masaya ka nalang sa naging desisyon ni Josh."
"Pero ang hirap Marco. Nasanay akong lagi siyang nasa tabi ko at ako lang ang babae sa kanyang paningin. Masakit sa pakiramdam na yung dati niyang ginagawa sa akin ginagawa niya na rin sa iba." Malungkot kong saad.
"Alam ko namang masakit 'yang nararamdaman mo ngunit huwag mo naman sana ibuntong lahat ng sakit diyan sa pagkain mo. Maawa ka naman."
Tiningnan ko ang pagkain ko. Parang giniling na hindi mo maintindihan dahil durog-durog no ito.
Grabee hindi ko inexpect na ganito ang epekto sa akin ni Josh siguro masyado ko siyang minahal at masyado akong naging kampante kaya ngayon nahihirapan akong makalimutan siya.
"Ang sakit na talaga..." Pagsisimula ko.
"Marco ang sakit. Akala ko may pag-asa pa akong mapatawad niya. Akala ko pwede pang maibalik ang dati sa lahat. Akala ko mahal pa niya ako. Pero wala eh! Mas mahirap pa ito sa misyon ko!" Tugon ko at nakita kong nakikinig siya kaya pinagpatuloy ko lang lahat ng gusto ko ngayong sabihin.
"Bakit ganito?! Leche naman oh! Aminado akong naging masama ang ugali ko pero may mabuti rin naman akong ginawa ha! Hindi ko naman sinisisi yung misyon ko dahil sa paghihiwalay namin. Ang hindi ko lang maintindihan bakit ayaw niya ako bigyan ng chance para mag-explain. Ang tigas naman ng puso niya! Konting oras lang ang hihiramin ko para pakinggan niya ang explanation ko hindi pa niya maibigay! Tatanggapin ko naman ang magiging resulta kahit na piliin pa niya ang haliparot na yun kaysa sa akin ayos lang! Basta pakinggan niya lang ako!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya. Ganun rin ang sunod-sunod na pagbuhos ng luha ko na akala mo may waterfalls. Nagkaroon pa tuloy ng instant sabaw ang pagkain ko buti nalang at nakakalahati na ako.
BINABASA MO ANG
CRYPTIC FEELINGS
Historical FictionLife... Love... History... Hindi ko akalain na ang aking kinaayawan ang maghahatid sa akin ng kaligayahan... Kaligayahan na nagpagulo sa aking isipan...