Kabanata XVI. Digmaan
"Bilisan mo Lara! Baka may makakita sa atin!"
Takbo lang kami ng takbo ni Martin. Rinig na rinig ko ang walang humpay na putukan ng mga baril. Mga dugong nagsikalat sa may Hardin. Nakakabinging sigawan ng mga inosenteng tao na walang kamalay-malay sa kaguluhang ito.
Sigaw ng mga Guwardiya Sibil na nagpapatuloy sa pakikipaglaban.
Samantalang ako?
Heto tumatakbo. Tinatakasan ang gulong kagagawan ko.
"Martin bumalik tayo sa Hardin kailangan tayo roon. Huwag nating iwan ang mga tao roon. Nangako ako sa sarili ko na ililigtas ko sila."
Hinihila ko ang damit ni Martin pabalik.
"Martin bumalik na tayo!" Pagpupumilit ko.
Huminto siya sa pagtakbo kaya huminto rin ako. Humarap siya sa akin at tumingin nang diretso.
Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalala. Natatakot si Martin. Ayoko ng ganyang mga tingin.
"Lara, alam mo ba 'yang mga pinagsasabi mo? Paano mo maililigtas ang mga tao na naroon? May sandata ka ba? Diba wala?"
Hindi ako nakaimik sa kaniyang sinabi. Yumuko lang ako at napabuntong hininga.
"Lara makinig ka sa akin." Inangat niya ang aking baba.
"Mas mabuti na ang tumakbo papalayo rito. Sakim man kung iisipin ngunit yun ang mahalaga. Patapusin mo lang ang gabing ito ika'y magbabalik para ibangon muli ang Haciendang ito."
Sang-ayon ako sa sinabi niya. Ngunit ang ikinakabahala ko lang ay kung magtatagumpay ba ako sa aking misyon. Ayokong makulong sa panahon na ito. Marami pa akong bagay na dapat ayusin sa aking panahon.
"Tara na Lara may alam akong lugar na maaari nating puntahan. Humayo na tayo baka maabutan pa tayo ng mga Guwardiya Sibil ni Alejandro."
Muli kaming tumakbo ni Martin ngunit kami'y huminto rin nang biglang may humarang sa amin na babaeng naka itim na maskara na kalahati lang ng kaniyang mukha ang natatakpan.
"Saan kayo pupunta?" Tanong niya.
"Lara dito ka lang sa aking likod huwag kang aalis diyan." Bulong sa akin ni Martin.
Tumingin si Martin sa babaeng nakamaskara. Samantalang ako nasa kaniyang likuran naghihintasa maaaring maganap.
"Binibini, isa ka ba sa mga inutusan ni Alejandro na tugisin kami? Pwes, hindi ko hahayaang mabahiran ng dugo ang lupang tinatapakan ko ngayon lalo na kung ito ay dugo ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko." Saad ni Martin.
"Pasensiya na Ginoo. Ngunit iyan ang aking pakay ngayon. Ang patayin ang babaeng may kagagawan ng lahat!"
Babaeng may kagagawan ng lahat!
Inilabas niya ang kanyang espada ganun rin si Martin. Habang ako naririto nakatayo at nanonood sa dalawang tao na nagpapatayan dahil sa isang taong tulad ko.
BINABASA MO ANG
CRYPTIC FEELINGS
Historical FictionLife... Love... History... Hindi ko akalain na ang aking kinaayawan ang maghahatid sa akin ng kaligayahan... Kaligayahan na nagpagulo sa aking isipan...