Lexious sighed when he entered Snow's house. May birthday party daw na gaganapin dito at pinilit talaga siya ni Daemon na pumunta rito.
He's not fond of parties. Mas gusto niyang matulog sa bahay niya kaysa umattend ng mga ganitong bagay.
Nang makapasok siya ay naroon na ang iba niyang kaibigan habang si Daemon ay nakikipaglandian sa girlfriend nitong si Snow.
Umirap naman siya sa hangin. Kadiri ang dalawang iyon na puno ng puso ang mga mata.
Dapat ay nasa bahay niya siya ngayon at tatawagan niya sana ang daddy niya para magpatulong na hanapin si Zshana pero dahil sa abnormal niyang kaibigan ay heto siya at nasa isang party.
Bigla namang natigilan si Lexious nang makita niya ang babaeng hahanapin niya sana sa harapan niya. Nakaupo ito sa sahig habang pinupunasan ng pawis ang isang bata na nakatalikod sa kaniya. He can't avert his gaze and he's in awe.
Oo nga at alam niyang may anak na ito pero hindi siya papayag na mawala sa kaniya ang babaeng matagal niyang inantay na makilala niya nang ganon ganon na lamang.
He waited for a long time to find the person that could make him insane and he did, finally. He felt like he's a human being after all and he's not gonna let that feeling go. Not in this fucking lifetime.
And just like in the movies, biglang nag-angat ng tingin ang babaeng iyon at nagtama ang mga mata nila. Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha ng babaeng kaharap niya.
Parang nahigit ni Lexious ang paghinga niya at nabalik lang iyon ng may marinig siyang maliit na boses na parang excited na sumigaw.
"Daddy!" Anito at nagtatakbo patungo sa kanya at tumigil sa harapan niya saka siya tinitigan.
He was shocked. No, the word shocked would be an understatement.
Why would this kid call him daddy? Oo nga at gusto niya ang ina nito pero hindi niya pa naman nakikita ang batang ito ni minsan kaya bakit siya nito tatawaging daddy?
Pati ang mga kaibigan niya ay nakatanga lang na nakatingin sa kanya na para bang hindi rin makapaniwala ang mga ito sa nakikita at naririnig.
Kita niya naman na natigilan si Zshana ng dahil sa sinabi ng anak nito. Ang utak niya naman ay parang ayaw gumana dahil sa mga naiisip niya.
Sobrang daming tanong ang tumatakbo sa isip niya pero naputol iyon ng magsalita si Zshana.
"Thor baby. What are you saying? Bakit mo siya tinawag na daddy?" Maamong tanong nito at pinanood niya lamang ang mag-ina.
"He's my daddy, mom! I know! I just know!" Anito bago nakangiting humarap sa kanya.
"Right daddy? Daddy kita hindi po ba? I'm right po diba?" Anito at tumingala sa kanya. Siya naman ay hindi makaimik ng dahil pa rin sa gulat at tinitigan lang ang bata.
His mind can't seem to properly function right now. Para siyang tanga na nakatitig sa mag-ina.
"Thor baby-" Naputol ang pagsasalita ni Zshana ng biglang umiyak yung bata at yumakap sa paa niya. Halos mapaatras naman siya dahil sa gulat.
"No. I want my daddy. No." Iyak nito and he can't bear to watch the kid cry in front of him.
Oo nga at tarantado siya pero may puso pa naman siya kahit papaano.
Binuhat niya ang bata na kaagad namang humarap sa kanya. Pinunasan niya ang luha nito at ngumiti.
"Don't cry bud." Aniya at kaagad naman itong tumigil sa pag-iyak.
Yumakap ito sa leeg niya at hinayaan niya naman iyon bago bumuntong hininga at humarap kay Zshana na gulat na nakatingin sa kanila ng anak nito.
"Go. Do what you need to do. Mamaya na tayo mag-usap." Aniya at lumapit sa mga kaibigan na nagtatakang tumingin sa kanya kaya naman inunahan niya na ang mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/139212641-288-k674885.jpg)
BINABASA MO ANG
Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]
RomanceLexious Lucifer Aki is a rude and a self-centered man. He doesn't care if someone is hurt with whatever it is that he's saying. He's blunt. He does not give a fuck. He's the owner of Dark Village, a well known village not only in the country but a...