Chapter 18

26K 647 5
                                    

"Yes Snowy?" Zshana asked as soon as she answered the call that she received from Snow.

"Zsha, I think I'm in love." Deretsahang sabi ng pinsan niya kaya naman napangiti siya.

Napangiti siya sa kadahilanang parang bata pa rin talaga si Snow kahit pa ka-edaran niya lamang ito. They're cousins but they are like sisters. At kahit napangiti siya sa sinabi nito ay napansin niya naman ang lungkot sa tono ng pananalita nito.

"Oh ay bakit malungkot ka? Pupusta naman ako na si Daemon yang sinasabi mo." Pagtatanong niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Thor na nakatayo sa upuan at pilit na inaabot ang ice cream na nasa freezer.

"God wait. Thor baby doon ka muna sa daddy mo. May kausap si mommy. Please wag kang makulit baka malaglag ka diyan magagalit si daddy mo." Pagsaway niya sa anak at kaagad naman siya nitong sinimangutan pero sumunod din ito sa sinabi niya.

Bumaba si Thor mula sa pagkakatayo sa upuan at nakasimangot na nagtungo sa itaas. Malamang ay para puntahan si Lexious na nakikipaglaro kay Zachary. Lexious has been lazy these past few days. Kahit anong pilit niya ay ayaw nitong pumasok sa trabaho.

"Daddy niya? Please enlighten me." Wala sa sariling sambit ni Snow kaya naman napatawa siya.

"Dearest cousin, I think I'm in love as well. And love is beautiful thing kaya bakit ang lungkot lungkot mo?" She asked.

"I'm not sure if its reciprocated. He never told me that he loves me, not even like Zsha. Then there's this girl na habol ng habol sa kanya. I'm jealous kahit hindi siya pinapansin ni Jax. I mean, I'm not even sure kung ano ba ang meron sa amin maliban na lang sa boyfriend ko siya but you know the real deal naman diba?" Pagsusumbong sa kaniya ni Snow. Napailing naman siya ng dahil sa mga sinabi nito. She can understand where she's coming from.

"Well cousin, I know how you feel dahil ganyang-ganyan ang nararamdaman ko. Except sa part na mayroong babaeng umeepal samin. Alam kong maraming babae ang nagkakandarapa kay Lex pero hindi naman umabot sa point na katulad noong diyan sa Lovely na iyan." Aniya at narinig niya naman ang walang buhay na tawa ni Snow mula sa kabilang linya.

"At least, walang threat sayo. Ay sakin? She's even here. Zsha hulog na hulog na ako. Sa tingin ko kapag nawala pa sakin si Jax mababaliw na ako. Iba kasi e. iba talaga, hindi katulad noong kay Nick." Pagrereklamo nito sa kaniya at sa pagkakataong ito naman, siya ang humagalpak ng tawa.

"Dear cousin. Let me tell you something. You can't do anything about that. You know why? Because it seems to me that even if love would be labeled poison, we would still drink it anyways. So go and allow yourself be poisoned for a lifetime and grab that antidote that would keep you alive." Nakangiting aniya.

It really is bad for her, for them. Love is such a dangerous emotion. Its dangerous and powerful at the same time.

But the thing is, kahit gaano pa ito kadelikado, she's still yearning for it. That's human nature. Humans are afraid of a certain thing but they yearn for it as well. Just like love and death.

There's the kind of love that's aesthetic and there's this disastrous type as well. There's this heartbreaking type of death but there's a beautiful one as well.

She then heard Snow's deep sigh.

"Okay. Babalitaan na lang kita kapag wasak na yung puso ko." Sambit nito at mahinang tumawa.

"Ikamusta mo ako diyan sa mag-ama mo. Ingat cousin." Tinawanan niya lang naman ang pinsan niya bago niya pinutol ang tawag.

Pagkababang pagkababa niya sa pag-uusap nila ni Snow ay napatingin siya sa hagdan nang marinig niya ang ingay na nanggagaling doon. Then she saw her son being carried by Lexious.

Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon