Chapter 13

25.4K 712 5
                                    

Matapos ikwento ni Lexious ang buong dahilan kung bakit galit na galit ito sa lalaking nakalaban nito sa sugal ay nakaramdam ng galit at awa si Zshana. Galit para doon sa lalaking may kasalanan kung bakit namatay ang kakambal ni Lexious at awa para sa binata.

"Mayroon pa akong isang bagay na sasabihin sa iyo at sana patapusin mo ako bago bago ka mag react. Ayos lang sa akin kung magagalit ka dahil ko pero sana pakinggan mo muna ako." Biglang sambit ng binata matapos nitong hindi magsalita sa loob ng ilang minuto.

Naagaw namang muli ni Lexious ang buong atensyon niya ng dahil sa sinabi nito.

"Bakit naman ako magagalit sayo? May kasalanan ka ba sa akin?" Tanong niya rito at malungkot itong ngumiti bago huminga ng malalim.

"Thor's real father. Sa tingin ko, kilala ko siya." Sambit nito at nanlaki naman ang mga mata niya.

"A-Ano?! Sino?" She asked.

Ilang taon niyang inisip kung sino ba talaga ang tunay na ama ni Thor. Ilang taon siyang nagdasal na sana ay naaalala siya ng lalaking iyon at sana ay hanapin siya nito. Ilang taon siyang umasa na sana, magkaroon ng buong pamilya ang anak niya.

"Hindi ako sigurado. Sisiguraduhin ko ito kapag hindi na ako busy. Hindi ko pa dapat sasabihin sayo ito ngayon kasi hindi pa naman ako sigurado at wala pa akong ebidensya pero hindi ko kayang maglihim sayo. Mas maganda na na ako ang magsabi sayo kaysa ibang tao." Anito at malungkot na ngumiti sa kaniya.

"Si Linus Lucian. Yung kakambal ko. Sa tingin ko, siya ang tunay na ama ni Thor." With what she heard, hindi niya alam kung paano siya magre-react.

"And yes, may kasalanan ako sayo. Hindi lang sayo, kung hindi pati kay Linus. Dahil kung tama ang hinala namin ni daddy, dapat si Linus ang kasama mo ngayon. Dapat si Linus ang nasa tayo ko ngayon. Sana matagal na na buo ang pamilya niyo."

"Linus looked for you. We were close. Really, really close. Naikwento sa akin ni Linus na may nakatalik siyang babae six years ago. And he looked for that woman pero hindi niya nahanap ang babaeng iyon. All that he knew was that woman's face. Hindi niya alam ang pangalan o kahit na anong tungkol sa babaeng iyon." Malungkot na ngiti ang nasa labi ni Lexious habang sinasabi nito ang mga katagang lumabas sa bibig nito.

"P-Pero hindi naman porke parehas ang taon kung kailan ako nabuntis at kung kailan siya may nakatalik ay ako na kaagad ang babaeng iyon." Para siyang nanghihina habang sinasabi niya iyon.

She's confused. Parang sasabog ang ulo niya ng dahil sa mga nalalaman niya.

"Yes, that's not enough to prove that Linus is Thor's father pero kinausap ko si Thor dati. Kung bakit niya ako tinawag na daddy and do you know kung anong sinabi sa akin noong bata? He said that he called me daddy dahil magkamukha kami. Hindi ko iyon kaagad napansin pero noong sinabi niya ang mga iyon, kaagad kong nakita ang similarities naming dalawa."

"And handa akong itaga sa bato na wala akong nakatalik na babae six years ago. Hindi ako basta basta nakikipag sex kahit tarantado ako. I am no womanizer Zshana, alam na alam mo iyan. And pati mga kaibigan ko, iyon din ang sinabi sa akin. Na kamukhang kamukha ko si Thor."

"Linus is my identical twin, of course we would look alike. And plano kong magpa-paternity test para malaman kung anak ba talaga ng kapatid ko si Thor. We are identical twin, so basically speaking, we have the same genes." Zshana's tears were rolling down her cheeks as she listened to Lexious's every word.

Deep inside, she was hoping na sana si Lexious na lamang ang totoong ama ni Thor. Na sana ito na lang ang lalaking matagal niyang hinintay para mabuo ang pamilya ng anak niya dahil ayaw niyang lumaki itong walang ama. But hearing the words that came out of Lexious's mouth made her feel discombobulated.

Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon