Nang makauwi sila sa rest house ni Lexious galing hospital ay kaagad na dumeretso sa kwarto si Zshana kasama si Thor. Nagpaalam si Lexious na tatawagan nito sa Stane para sa barbecue party na plano nito sa makalawa.
"Mommy is it true po na Zyrian will come here to play with me kapag gumaling na ako?" Thor asked her nang maibaba niya sa kama ang anak. Ngumiti naman siya rito tapos ay pinisil ang tungki ng ilong nito.
"Your dad said so. May sinabi na ba sayo si daddy mo na hindi nagkatotoo?" Tanong niya rito at umiling naman ang anak niya.
"Wala pa po. Nalate lang siya ng uwi dati pero never pa nag lie si daddy sa akin." Thor answered kaya naman napangiti siya.
"Exactly. Kaya wag mo na munang isipin yung paglalaro niyo ni Zyrian. Magpagaling ka muna baby okay?" Pagkausap niya sa anak na kaagad namang tumango sa kaniya at ngumiti.
"Okay po mommy. Promise po hindi na ako kakain ng kahit anong shellfish para po hindi na kayo mag worry ni daddy." Anito. She can't help herself but to thank God for giving her a good son.
"Good boy naman ng baby namin. Mahiga ka na. Ipagtitimpla ka lang ni mommy ng milk then go to sleep ha?" Aniya at kaagad naman na sumunod sa kaniya ang anak niya.
Pagkababa niya sa kusina ay kaagad siyang nagtimpla ng gatas. She just finished making one nang biglang pumasok si Lexious sa kusina at iba na ang damit na suot nito.
"Hey sweetheart. Aalis muna ako kasi I need to personally go to Manila to have a talk with my father. Biglang umuwi sa Pilipinas si daddy and he needs to talk to me about something. The helicopter's already on the rooftop kaya naman I need to go. Baka bukas or sa makalawa na ako makabalik dito." Sunod sunod na sambit nito at hinalikan siya sa noo.
"I might not be able to call you pero babalik ako kaagad as soon as possible okay? If ever something bad happens call that number. He's Stanley and he's a really good friend of mine. He'll help you if something bad happens okay?" Pagpapaalala nito sa kaniya kaya namang naguguluhan siyang tumango sa binata at bago pa man siya makapagsalita ay muli siya nitong hinalikan ng mabilis sa labi saka nagmamadaling lumabas sa kusina.
Nakakunot ang noo ni Zshana habang naglalakad patungo sa kwarto ni Lexious kung saan sila tutulog ni Thor. Iniisip niya kung bakit ganoon na lamang magmadali si Lexious. He's not usually like that kaya naman nakapagtataka.
LEXIOUS's face was void of any emotion the moment that he stepped out of the helicopter. Nasa headquarter siya ng tatay niya dito sa Pilipinas. He's not sure kung bakit ito pumunta sa Pinas pero kaagad siyang pumunta rito nang tinawagan siya nito para sabihin na kailangan siya nitong makausap.
Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng opisina ng ama ay kaagad niya itong nakita na nakaupo sa swivel chair nito habang seryosong nakatingin sa laptop nito.
"What brings you here dad?" Tanong niya sa ama.
"Aitai." Simpleng sagot ng ama niya kaya naman napasimangot siya.
Minsan talaga ay maypagka-engot ang tatay niya. May pagakaisip-bata ito kahit pa ang tanda tanda na nito.
"Save me the cheesiness father. You're not gonna come here in the Philippines just because you wanted to see me. What do you need from me?" Seryosong aniya at tinawanan naman siya ng ama.
"You are indeed my son." Anito at tumango tango bago isara ang laptop at tumingin sa kaniya.
"I need your gambling skills son. We found the person that killed your twin brother two years ago. And we discovered that he's a gambling addict and that he will go to the famous underworld casino which is located here in the Philippines tonight." Anito at tumikhim.
BINABASA MO ANG
Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]
Roman d'amourLexious Lucifer Aki is a rude and a self-centered man. He doesn't care if someone is hurt with whatever it is that he's saying. He's blunt. He does not give a fuck. He's the owner of Dark Village, a well known village not only in the country but a...