Chapter 15

25.9K 690 6
                                    

Spending a week of vacation with Lexious is still like a dream for Zshana. After the barbecue party with Stane's family habang nasa Batangas sila ay marami pa silang ginawa nina Thor at Lexious.

They were like a happy family habang nagbabakasyon sila sa Batangas kaya naman hindi niya mapigilan ang kilig na nararamdaman niya sa tuwing maaalala niya ang naging bakasyon nila.

Pagkabalik nila sa Manila ay naging abala si Lexious sa trabaho nito kaya halos hindi niya na nakakausap ang binata. Maaga itong gigising at gabi na ito kung umuwi. Si Thor naman ay inaasikaso niya pati na rin ang pagpasok nito kaya maging siya ay naging abala.

Ilang reports din ang binasa niya na ipinadala sa kaniya ng mga magulang niya kaya naman sa tuwing nasa school si Thor ay abala pa rin siya.

Mabilis na lumipas ang isang linggo mula nang makabalik sila sa Manila and today is Saturday. Kakasend lang ng mga magulang niya sa kaniya ng mga files na kailangan niyang pag-aralan para sa pagtatayo ng bagong branch ng pastry shop na pag-aari niya.

Thor is still sleeping soundlessly kaya naman lumabas ng kwarto si Zshana at tinawagan si Lexious para pakiusapan ito. After a few rings ay sinagot na ito ng binata.

"Yes sweetheart?" Kaagad na bungad ni Lexious sa kaniya kaya naman napangiti siya.

Lexious's endearment to her would always make her feel happy and giddy. Daig pa niya ang teenager kung kiligin dahil sa lalaking iyon.

"Hey. Uhm, are you busy?" Tanong niya rito pagkatapos niyang palihim na huminga ng malalim dahil sa pagpapakilig sa kaniya ng binata..

"Not really. I'm just reading some reports. Bakit?" Sagot nito sa kaniya kaya naman napabuntong hininga siya.

"I'm really sorry pero pwede bang diyan muna sa iyo si Thor? Magiging abala kasi ako ngayong araw. I need to read some files then I'll be flying to Spain after para makausap ko personally sina mommy and daddy. Gusto ko kasi na ako mismo ang mamahala sa pagbubukas ng bagong branch ng pastry shop ko." Aniya at hindi naman sumagot si Lexious kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Biglaan lang dahil ngangayon ko nabasa yung file na sinend sakin nina mommy kagabi. Baka two or three days ako doon sa Spain pero I'll come back as soon as possible. Pero kung hindi ka pwede isasama ko na lang si Thor. Tinanong lang kita kasi alam kong ayaw ni Thor sumama sa akin at saka para alam mo rin ang gagawin ko kaya ako aalis." Sunod sunod na sambit niya at makalipas ang ilang segundong katahimikan ay nagsalita na si Lexious.

"Okay. I'll send my secretary to fetch Thor. Call me once you arrived in Spain okay? Don't make me worry about you and report to me every time. Pag hindi ka nagparamdam sa akin I swear Zshana, bigla bigla mong makikita ang pagmumukha ko doon sa Spain." Anito kaya naman natawa siya. Lexious and his craziness.

"I promise I'll call you kaagad. I'll wake Thor up then. Aalis din ako kaagad pagka-kaon ng secretary mo sa kaniya." Aniya.

"Good. I miss you and I'll miss you more. Go on and do what you need to do bago pa kita pagbawalan umalis at ikulong ka diyan sa bahay ko." Sambit nito at tumawa kaya naman napailing siya.

"Ewan ko sayo Lexious. Sige na. I'll call you later." Aniya at ibinaba ang tawag.

Kaagad niyang ginising si Thor at sinabi dito na aalis siya at imbes na malungkot ang anak niya ay na-excite pa ito nang sabihin niyang pupunta ito sa work ng daddy nito. Hindi niya alam kung dapat ba iyong ikagaan ng pakiramdam niya o dapat niyang ikalungkot.

Thor is becoming a daddy's boy and she feels jealous. But even if she's a little jealous because of Thor's clingy attitude towards Lexious ay hindi naman siya nagrereklamo dahil gusto niya rin namang nakikitang naghaharutan ang dalawa.

Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon