Chapter 25

25.7K 583 9
                                    

Pagkapasok na pagkapasok na Zshana sa loob ng Starbucks ay kaagad siyang pumila. Medyo mahaba ang pila kaya naman tiningnan niya ang menu. Napangiti na lang siya nang mabasa niya ang chocolate chip cream.

My favorite!

"Zshana?" Napalingon si Zshana nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya and to her surprise, she saw her ex boyfriend.

"Tristan?" She asked and the man smiled.

"Ako nga. Kamusta ka na? Its been six years." Tanong nito sa kaniya kaya naman ngumiti siya.

"I'm good. Doing better actually." She calmly answered at nakita niya ang pag ngiti ng mapait ng lalaking kaharap.

"Good for you." Sambit nito bago ngumisi.

"Samantalang ako, I've been broken. And still am. Iniisip ko pa rin kung paano kaya kung tinanggap ko na lang yung nangyari noon? Kung pinatawad kita noon? Kung isinalba ko ang relasyon natin noon. Would I be happy cause I am devastated, until now." Anito at nakita ni Zshana ang paglingon ng ilang taong naroon sa gawi nila.

Iimik pa sana siya nang magsalita na ang babae sa counter.

"You're order ma'am?" Anito kaya naman napabaling siya rito. Ngumiti muna siya bago magsalita.

"Two slices of Chocolate Hazelnut with Nutella, Chocolate Chip Cream, Venti and Iced Americano, Venti. For takeout please." Aniya at iniabot ang one thousand peso bill na kaagad namang sinuklian nong babae.

"Name ma'am?" She asked.

"Lex for the coffee then Zsha for the frappe." She said as she spelled her name out.

Matapos niyang sabihin ang pangalan nilang dalawa ni Lexious ay nagpunta na siya sa gilid kung saan niya hihintayin ang order niya.

Napabaling na lamang siya sa gilid niya nang may tumikhim at nakita niyang nasa tabi niya na pala si Tristan.

"How's your kid? Balita ko lalaki ang naging anak mo." Tanong nito sa kaniya na kaagad naman niyang sinagot.

"He's good. Oo lalaki nga." Maiksing sagot niya rito.

"Are you free-" Hindi na natapos ni Tristan ang sasabihin nito dahil sa malakas na pag ring ng phone ni Zshana.

Nagmamadali namang kinuha ni Zshana sa bulsa niya ang phone at napangiti na lang siya nang makitang si Lexious pala ang tumatawag sa kaniya.

"Where are you? Bakit ang tagal mo naman ata? Should I go there and fetch you?" Sunod sunod na tanong nito kaya lalong napalapad ang ngiti niya.

"Lex, I'm waiting. Inaayos pa yung order ko. And no, you don't need to come here." Aniya at narinig niya ang pagbuntong hininga nito.

"Hurry up. I miss you already. I want to see your face na." Pag-iinarte nito kaya naman yung malapad na ngiti niya ay naging mahinang pagtawa.

"For Lez and Zsha." Napatingin siya sa lalaking nagsalita kaya naman sumenyas siya sa lalaki na antay lang as she pointed to her phone.

"I'm done. I'll be there in a minute or two." Sambit niya.

"That's good. Ingat okay? I love you sweetheart." Anito kaya naman napailing na lang siya habang nangingiti.

"I love you too. See you." Aniya at ibinaba ang tawag at saka kinuha ang order niya bago bumaling kay Tristan na nakatingin pa rin pala sa kaniya.

"It was nice talking to you. Mauna na ako." Aniya at hindi na niya inintay ang sagot nito dahil tinalikuran na niya ang lalaki at lumabas sa Starbucks.

Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon