Chapter 14

27.2K 627 8
                                    

Magaan ang pakiraman ni Lexious nang magising siya. Maganda ang kinalabasan nang pag-amin niya kay Zshana kahapon at naiintindihan nito na hindi pa siya makakapagpa-DNA test kasi busy pa ang mga kaibigan niya sa kaniya-kaniyang buhay ng mga ito at maging siya ay maraming inaasikaso.

He sure is blessed that Zshana is an understanding woman. Kahit pa may kasalanan siya rito ay inintindi pa rin siya nito kaya naman lalo lang niyang minamahal ang babae.

Oo nga at sinabi niya rito kahapon na nahuhulog pa lamang siya rito pero iyon ay sa kadahilanang kahit pa walang preno ang bibig niya, torpe pa rin siya.

Nang tingnan niya ang kabuuan ng kwarto niya ay hindi niya nakita si Zshana o kaya si Thor kaya naman bumangon siya kaagad at dumeretso sa banyo para maghilamos at magtooth brush.

Matapos niyang gawin ang mga iyon ay nagsuot lang siya ng sando dahil naka boxer naman siyang natutulog. Kung pwede lang sana na nakahubad baro siyang matulog kagaya nang nakasanayan niya, yun ang ginawa niya.

Pero dahil katabi nila si Thor sa kama, kahit pa hindi siya ganoon kakomportable kapag may suot na damit ay nagba-boxer naman siya kahit papaano.

Tiningnan niya ang orasan na nasa bedside table at alas diyes na ng tanghali kaya naman agad siyang lumabas sa kwarto at nagtungo sa living room.

Pagkarating niya sa living room ay nakita niya si Thor kasama si Zyrian na naglalaro kaya naman napailing siya.

Ang bata bata pa ng mga batang ito pero naglalandian na kaagad. Samantalang siya muntikan na na maiwan ng kalendaryo bago lumandi ng sobra sobra.

"Good morning daddy." Kaagad na bati sa kaniya ni Thor nang makita siya nito. Napatingin naman sa kaniya si Zyrian na kalaro ni Thor at bumati rin ito sa kaniya.

"Good morning po tito Lexious." Nakangiting bati ni Zyrian sa kaniya kaya naman nginitian niya ang dalawang bata.

"Good morning kids. Where are the adults?" Tanong niya sa mga ito at sabay na itinuro ng dalawa ang daan patungo sa garden ng rest house niya kaya naman nginitian niya ang dalawa at lumabas ng bahay.

Pagkarating niya sa garden ay nakita niya sina Stane, Zyra at Zshana na nag-aayos doon ng mga gamit na gagamitin sa barbecue party.

Napailing na lang siya. Hindi man lang siya ginising ni Zshana para sana nakatulong siya.

Nang makalapit siya rito ay niyakap niya ito mula sa likod bago hinalikan ang leeg nito.

"Good morning beautiful. Bakit hindi mo ako ginising?" Aniya at tumawa naman si Zshana at ipinagpatuloy ang ginagawa nito.

"Ang sarap sarap kaya ng tulog mo. At saka, tinulungan naman ako nina Stane at Zyra kaya hayaan mo na." Anito kaya naman natatawang humiwalay siya sa pagkakayakap niya kay Zshana at bumaling kina Stane.

"Sorry I woke up late. Medyo napuyat lang ako kagabi dahil sa mga reports na binasa ko." Aniya at tumango naman si Stane sa kaniya.

"No worries. Anyway, wala sina Clifford kasi may check up yung asawa niya." Sambit nito kaya naman tinanguan niya ito bago tumulong sa pag-aayos na mga gamit.

"Siya nga pala, niyaya ko na sila na dito na mag-overnight dito para naman hindi mabitin sa paglalaro yung dalawang bata. Sorry, pinangunahan kita." Sambit ni Zshana. Lexious just shrugged his shoulders.

"No problem. Yun lang pala e." Aniya at inakbayan si Zshana.

Si Stane at Zyra naman ay naglalandian din sa harapan nila at natigilan lang ang mga ito ng hilain ni Thor ang laylayan ng damit ni Stane.

Dangerous 2: Lexious Aki [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon